Wednesday, February 06, 2013

Mali ba daw mahalin ang isang tao na hindi ka niya mahal?

Hindi mali ang magmahal ng taong hindi ka mahal, kaya ka nga nagmamahal kasi umaasa kang mahalin ka din niya pabalik. Pero kapag dumating yung araw na puro ikaw na lang ang nagmamahal, matuto kang makiramdam, aba baka naman sa sobrang pag ka martyr mo eh magkaroon ka na ng pakpak at bilog sa ulo niyan? 

Maging Anghel ka na sa sobrang kabaitan na pinapakita mo sa kanya.

Hindi naman masama minsan ang sumuko eh, minsan kaya tayo sumusuko kasi wala na tayong nakikitang pag-asa, as in wala na talaga. Hindi naman kasi tayo susuko kapag nakikitaan pa natin ng kahit sobrang liit na pag-asa hindi ba? 

Kaya oks na oks lang magmahal talaga kahit hindi ka mahal. Ganun tayo eh, sobra tayong magmahal.

Masaya magmahal. Kaya hindi dapat pinipigilan yan.

No comments:

Post a Comment