Tuesday, February 05, 2013

Huwag masayadong madamot kaibigan...isang smile naman dyan!


Pag feeling ko malungkot yung mga random na tao na nakikita ko sa paligid. Madalas nginingitian ko. 

Alam mo yun? Yung iparamdam mo sa kanila na may mga taong handang ngumiti para sa kanila. Alam niyo bang napakalaking factor kapag may taong ngumingiti sayo? Tipong nakikita dun yung “Value ng Life” ng isang tao. 

Minsan kasi sa sobrang depressed ng isang tao, kailangan niya ng taong tutulong sa kanya eh. Kailangan niya ng taong dadamay sa kanya. Kailangan niyang maramdaman na hindi siya nag-iisa sa mundo. 

Sa simpleng ngiti na yun, malay mo maiba pananaw niya sa buhay diba? Bigla siyang magbago o matuwid pa yung mga baluktot na desisyon niya sa buhay. Hindi naman siguro masama ngumiti sa tao. Nasa kanila na yun kung tatanggapin ba nila yung ngiti na yun. 

After naman kasi nun, lalagpasan niyo na ang isa’t-isa. Minsan pa nga sa pag ngiti. Hindi mo namamalayan. Sa isang segundong nagkasalubong lang kayo. Eh mababago mo ang buhay niya ng maraming taon. Maari pa ngang pang habambuhay eh.

Naisip mo ba yun?

salamat sayo kaibigan...:)

No comments:

Post a Comment