Batid
kong pamilyar ka sa kasabihan na laging nasa huli ang pagsisisi at kung hindi
ako nagkakamali napatunayan mo na rin ito sa sarili mong karanasan sa buhay. Hindi
po ba?
Hangga’t
nandyan pa ang taong mahal mo sa buhay. Sabihin mo sa kanila kung gaano sila ka
importante sayo, gaano mo sila kamahal. Kapag nawala kasi yan hindi mo na
masasabi sa kanya yung mga bagay na yun. Hindi naman porket sinabing pagmamahal
eh sa ibang tao lang na gusto mo. Umpisahan mong mahalin ng husto ang taong
bumuhay sayo sa mundo. Ang magulang mo na walang sawang nagmamahal sayo pero
madalas tinitaken for granted mo lang ang pagmamahal na ito. Minsan ba hindi mo
naisip na swerte ka dahil nababasa mo ang post na to? Hindi dahil ako ang nag
post, kundi swerte ka dahil nakakapag internet ka na di tulad ng ibang bata.
Mahalin
mo at sabihin mo kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. Kapamilya, Kaibigan at
kahit na sino pang nagbibigay importansya sayo. Sabihin mo habang buhay pa silang
lahat. Madalas nga naman kasing kapag namamatay ang isang tao tsaka lang
naglalabasan ang magagandang komento sa kanya. Pero kapag nandyan lang at buhay
eh binabalewala at tsaka mo lang malalaman na sobrang halaga nila sa buhay mo.
Minsan napaka ironic ng buhay. Pero
kailangan tanggapin ang lahat ng pagsubok na ibinibigay sa atin. Ika nga
mahirap sumalubong sa agos ng tubig. Kailangan mo maging flexible sa buhay.
Besides, kailangan din naman nating maranasan ang pait o hirap nang sa gayun ay
maappreciate natin ang sarap at kaginhawaan ng buhay… Para maging matatag.. Sa
sarili at para na rin sa ibang tao.
No comments:
Post a Comment