Alam mo yung ganung pakiramdam.
Nalulungkot ka sa taong nagpapasaya sayo? Magulo ba? Pero habang paulit ulit
mong binabasa ang salitang yan eh naiisip mo na bakit nga kaya ganun? Nagiging
malungkot tayo sa taong nagpapasaya satin. Parang pag-ibig lang… Malabo, walang
kasiguraduhan kung ano ang dahilan.
Siguro dahil hindi mo makuha yung
gusto mong maramdaman sa kanya. Tipong ok ka ng pa ganyan ganyan lang kayo.
Tipong umaasa ka kahit hindi mo alam kung dapat ka bang may ika asa sa kanya.
Yung ganyang pakiramdam.
Yung nag aassume ka ng mga
posibleng mangyari na binabase mo sa kung paano kayo mag usap, paano yung
approach niya sa iyo at gaano lagi ka espesyal ang isang araw na magkausap kayo
laging dalawa. Minsan mapapatanong ka kung bored lang ba siya kaya kinakausap
ka niya, hindi pa niya nahahanap yung taong para sa kanya kaya ikaw muna, at
baka katulad lang rin ng iba na bigla ka na lang rin iiwan kapag ok na sila.
Napakahirap ng ganyang sitwasyon.
Tipong takot ka mag open sa kanya dahil alam mong ikaw pa rin ang talo dun.
Kapag na misinterpret niya ang mga bagay na gusto mong ipaliwanag eh baka mawala
pa siya sayo. Kaya ayun, nagtitiis ka lang sa kung anong set up meron kayo.
Wala kang magawa eh, masaya ka sa kanya tapos napapasaya mo rin siya. Tipong
yung ngiti niya na ikaw ang dahilan ang pumupukaw sa lungkot na nararamdaman mo
kapag naalala mong malabo ang lahat sa inyong dalawa. Hirap din maging tahimik
minsan no? Wala silang ideya na nalulungkot o nasasaktan ka na :)
Tandaan
mo: (ito po yung mga realization ko matapos akong mabigo sa
pag-ibig na akala ko kami na hanggang sa huli..:))
- Hindi mo laging makukuha ang
gusto mo.
- Hindi lahat ng mangyayari sa
buhay mo ay papabor sayo.
- May mga bagay kang ginawa
tapos sa huli maiisip mo na sana hindi na lang pala.
- Kapag nagkamali ka. Dito ka
matututo.
- Minsan matututo ka sa pagkakamali
mo, minsan naman hindi.
- Kaya nangyayari yun dahil na sa
normal na ikot ka ng mundo, at yun ay ang mga desisyon na basta gagawin mo
lang talaga.
- Hindi totoo ang mga pantasya
na napapanuod mo sa TV.
- Huwag kang maniwala sa mga
ginagawa ng tao sa mga Koreanovela.
- huwag ka mainggit sa kasal ng
mga artista. Mas kaya mong higitan ang mga yun. Gumanda lang dahil market
sila ng Media.
- Magtiwala ka lang sa sarili
mo, at higit sa lahat disiplina. At siguradong walang palpak lahat ng
gugustuhin mo.
No comments:
Post a Comment