Ilan na ba ang minahal mo? Ilang beses ka na
bang nasaktan? Ilang beses mo ng sinabing hindi mo kaya? Palagi namang ganun
diba? Palagi natin sinasabing hindi natin kaya. Lalo na sa mga unang beses
tayong nabigo pagdating sa pag-ibig na yan. Palagi natin sinasabing the first cut
is the deepest. O kaya naman ang first love eh hindi namamatay. Pero imagine
kung kanino ka nagdadrama ngayon? Hindi ba’t sa ibang tao na? Hindi ba’t dun na
sa taong hindi mo naman naiisip na dadating dati? Kaso yun nga lang ang masama
dun.. Nasaktan ka ulit.
Pero look on the bright side. May dahilan
siguro ang lahat ng yan. Minsan sunod sunod. Minsan matumal. That’s life eh.
Sabi nga ni Murakami “Pain is inevitable but suffering is optional”. Kumbaga
it’s all in the mind eh. Palagi kasi natin silang iniisip. Hindi tayo gumagawa
ng paraan para makalimutan sila.
Palagi kang Online, Palagi kang nasa lugar
kung saan mo sila nakilala. Dapat umaalis tayo diyan at iniiwasan
pangsamantala. Bumalik ka lang sa lugar kapag ok ka na. Para kahit maisip mo
sila. Hindi mo na maiisip yung sakit. Kasi ok ka na eh.
Tandaan mong lahat ng problemang nararamdaman
mo sa Love ay kaya mong lagpasan. Kailangan mo lang tanggapin lahat ng
nangyayari sayo. At intindihin ang mga bagay bagay kung bakit nangyari yun.
No comments:
Post a Comment