Like WTF? Asahan mong magiging ganyan yang
taong yan. Nagmahal yan eh, malamang yun na lang tanging paraan para mailabas
niya yung sama ng loob niya. Minsan ang panget basahin ng sinusulat niya diba?
Eh yun kasi ang pinaramdam mo sa kanya eh kaya naging ganyan yan. Kung hindi mo
ba naman niloko yang taong yan eh sa tingin mo ba gaganyan yan? Edi sana I love
you tapos may kasamang pangalan mo ang mababasa mo sa kanya diba? Kaso hindi
eh. Pinaasa mo puso niya so ano aasahan mo? Matuwa? Puriin ka pa na sinaktan mo
siya? No.
Ilang araw lang naman ganyan yan. Tipong
kapag naging ok na siya eh sa sarili na lang niya sasabihin ang lahat ng
nararamdaman niya. Tapos yung tiwala niya sayo eh wala na. Tipong kapag nakita
ka niyang nagmamahal muli hindi ka niya maiiwasang husgahan. Sasabihin niyang
“Woo, nakita ko na at nasabi mo na rin sakin yan. Iiwan ka din niyan.”
Minsan hindi naman natin matuturuan ang tao
maging mabait palagi. Minsan nababago ang tao dahil nasaktan ito ng sobra. Pero
kapag naghilom ang sugat nito, magiging mas wais na tao ito at hindi na
magpapaloko tulad ng panlolokong ginawa mo sa kanya.
No comments:
Post a Comment