Sarap lang kapag nasa mood ka mag-aral. Ang sarap lang pumasok sa eskwelahan kapag gets mo yung dinidiscuss ng teacher mo. Tipong pag uwi mo sa bahay eh handa ka ng gawin yung homeworks mo.
Parang yung GIF na to. Parang ang sarap kapag sobra mong ineenjoy ang pag-aaral no? Marami kasi satin ang napipilitan dahil sa mga course nila kaya hindi nila ineenjoy. O kaya naman galit sa subject dahil terror ang prof.
Kung tutuusin napakadaling mag-aral ngayon dahil andyan na lahat ng information sa Internet. Kapag may hindi ka alam eh i rephrase mo lang yung nakita mo sa Internet eh may grade ka na agad sa propesor mo.
Pero madalas tinatamad pa rin tayo. Nagtitiwala kasi tayo sa stock knowledge na minsan ay hindi natin alam na kinalawang o nabulok na pala at hindi na mapakinabangan (shocks) at tska sa mga taong nakapaligid satin.
Minsan nakakatakot din kapag nasanay na puro kopya. Sa tingin ko in the long run pa nila mararanasan yung hirap at marerealize nila na sana hindi nila dinaya yung mga araw na may pagkakataon pa silang magbago.
Mahirap talagang mag-aaral lalo na kapag wala kang interest sa course na kinukuha mo. Yung tipong practical ka lang kahit hindi mo talaga gusto. Marami ang nagtataka kung bakit Philosophy ang kinukuha ko dahil sabi nila hindi daw lucrative o profitable ang course na ito. Mayroon pang nagsasabi na wala daw pera sa Pilosopiya. Ang sagot ko naman, talagang wala kasi hindi naman bangko ang Pilosopiya...hahaha.
Bakit ba lage na lang iniassociate ang pagkuha ng course sa magiging occupation balang araw? Sigurado ka ba na makakakuha ka ng trabaho in the future na talagang akma o related man lang sa course na tinapos mo? Marami ngayung nursing graduates na nagcall center agents na lang!
Hindi ba mas maganda at masaya kapag ang kinukuha mo ay yung tipong hilig mo talaga? Hindi ka pa mahihirapan sapagkat nandun na yung puso mo. Kailangan mo na lang ay maging determined, diligent at laging positive sa buhay!
Mahirap yung pakiramdam na ginagawa mo lang ang isang bagay dahil yun ang sa tingin ng iba ay nararapat ngunit labag sa kagustuhan mo. Pwedi naman sigurong gawan ng paraan. After all, sa diskarte din naman sa buhay tayo magkatalo talo.
No comments:
Post a Comment