Friday, February 01, 2013

Sometimes you have to distance yourself from people to make them realize you don’t always have to be there, and that you’re not one to be taken for granted.


Maraming tao ang naging masaya dahil sa iniilusyon nila. Kumbaga gumagawa sila ng kwento sa isip nila. Tipong yun na lang ang way para maging masaya sila. Patuloy silang nagiging direktor. Ikaw at Siya ang bida sa isip mo. Sa tuwing lutang ang oras, dun nag uumpisa ang palabas. Ikaw at Siya “Iisa”.

Iniisip mo yung mga bagay na related sa kanya. Kung ano ang pinapakita niya sayo yun din siya sa ilusyon na umiikot sa isip mo. Iniiba mo ng kaunti yung twist. Yung twist na pabor sayo. Syempre, kapag imposible sa realidad edi gawin mong makatotohanan sa ilusyon. Tutal ikaw lang naman ang nag-iisip nun eh.

Minsan yan na lang ang escape route ng mga taong tahimik lang. Yung mga taong akala mo kaya lahat. Yung mga taong pangiti ngiti lang. Syempre, pilit kang humihilis sa katotohanan eh. Ayaw mong magising sa realidad na yun. Yung mga taong nasa mundo na lang ng mga ilusyon. 

No comments:

Post a Comment