Kung mahilig kang magbasa. Uunahan na kita. Subukan mong tapusin. Baka makarelate ka. Hindi ko papabasa sayo ito kung walang katuturan. Hindi ako mag susulat ng mahaba para lang walang mapala.
Pang una.
Bubuksan mo ang pinto. Ito ang relasyon. Ito ang iyong puso. Papasok ka sa kotse. Ang kotse niyo ang relasyon. Dito kayo lang dalawa ang laman. Maaring may kasama kayo sa likod ng kotse. Pero kayo lang ang importante dito. Kayo lang dalawa ang mahalaga.
Pangalawa. Mag seseatbelt ka. Ito ang iyong partner/nobyo/nobya. Kailangan mo itong isuot para lagi kang safe. Siya ang poprotekta sayo san ka man mag punta.
Pangatlo. Isususi ang Makina. Para tumakbo ang relasyon. Kailangan mo nang susi sa sarili na ikaw lang ang makakapagbukas. Tandaan mong kayo lang dalawa ang may susi sa puso ng isat-isa. Kung may ibang nag papaandar nito. Kawawa ka naman. May duplicate na susi siya. Iwasan mo ito sa paraang pagpapakita mo sa kanya ng pagmamahal.
Pang apat. Tatanggalin ang Handbreak at Ikambyo. Ito naman ay ang mga balakid sa inyong dalawa. Hindi aandar ang isang sasakyan kapagnaka handbreak o naka kambyo. Ito ang mga bagay na dapat inaalis para tumakbo ng ayos ang isang relasyon. Ang halimbawa nito ay ang mga balakid na sisira sa inyo. Mga kalandian niyo dati. Tandaan niyong pinasok niyo na ang pinto ng kotse niyo. Ibig sabihin kayo lang dalawa ito. Maaring may mga tao. Pero sila ay pwede namang makita sa labas. Wag nang papasukin sa loob. Huwag ka nang magrelasyon kung lalandi ka rin lang sa iba.
Pang lima. Mag pa gasolina. Kailangan niyo ng gasolina. Ang gasolina ang pagmamahal. May uri ng gasolina. Diesel - ito ay murang gasolina. Ito ang relasyon na hindi na kailangan magpakita nang kung ano ano pa. Basta mahal nila ang isat isa tatakbo na. May premium at unleaded. Ito ang masasabi nating may pag ka high class. Talagang nakakapag date pa sila. Habang nashashare nila ang pagmamahalan. Pero sakin. Kahit anong gasolina pa yan. Basta kayong dalawa ay umaandar. Makakarating kayo sa pupuntahan niyo.
Pang anim. Habang nag dadrive. Tumingin sa side mirror. Oo. Isa ito sa mahahalagang bagay pag dating sa pagmamaneho. Lalo na sa relasyon. Tignan mo muna ang kaliwat kanan bago ka mag desisyon. Baka may mga balakid sa kaliwa. Maaring may balakid din sa kanan. Huwag laging diretso ang tingin. Pwede nating sabihing side mirror din ang mga kaibigan mo. Sila ang tumitingin sayo sa likod mo. Handa kang suportahan para safe ka din.
Pang pito. Alalay lang pag nag mamaneho. Wag mong pakakabilisan. Dahil pag sobrang bilis ng pag mamaneho. Marami kang maiwan na tao. At sa sobrang bilis ng maneho mo ibig sabihin nito ay minamadali mo ang mga bagay bagay. Huwag kang mag madali. Pag nadisgrasya ka, maaring hindi kayanin ng seatbelt mo protektahan ka. Pati siya masira. Kung hindi man masira. Maaring maging baldado ang relasyon niyo. Hindi kailangang magmadali. Tama lang yung tamang bilis para makarating kung san man gusto niyo tutungo ang inyong relasyon.
Tandaan:
Bago mo gawin lahat iyan. Siguraduhin mo munang meron kang Lisensya. Oo tama ka. Lisensya, san ba makukuha ito? Alam mo bang lahat ng tao ay may lisensya sa pagmamahal? Kailangan mo lang fill up-an ang mga bagay bagay tulad nang
Pagtitiwala - Kailangan bukas ito sa pagkuha ng lisensya sa pagmamahal.
Pagmamahal - Pinaka puso ng iyong lisensya.
Pagbibigayan - Kailangan nito para sigurado kang marunong ka na mag drive.
No comments:
Post a Comment