Sunday, February 03, 2013

...PROM!


Dahil papalapit na ang JS PROM. Ito ang hinihintay ng karamihan. Lalo sa buhay ng highschool life. Dala ang saya at lungkot ng bawat isa. Saya dahil makakasayaw mo yung taong espesyal sayo. Kalungkutan dahil alam mong ilang taon na lang. Ilang buwan. Mag kakahiwalay na kayo ng landas.

Mahirap sa pagdedesisyon ng isang babae ang pagpili ng partner. Mahirap naman sa parte ng lalake ang paghahanap. Dahil hindi niya alam kung yung gusto niyang ka partner ay meron nang napili. Langit nga naman ang pakiramdam kapag kasama mo ang special na tao sayo.
Para bang ayaw mo nang matapos ang gabi. Para bang lumulutang ka sa kasiyahan na ayaw mo nang bumaba. Hihilingin mo na sana na tumigil ang oras. Dahil titigil ang mundo mo sa taong yun. Para bang kayo lang ang mag kilala.

Sa oras na sasayaw ka na. Sobrang kilig ang madadama. Sobrang kasiyahan na masasabi mong ikaw na ang pinakamasayang babae/lalake sa mundo. Para kang nilagyan ng sili sa pwetan at hindi ka makaupo. Gusto mo palagi lang kayong sasayaw. Gusto niya hawak niya lang ang bewang mo. Ang kamay mo. Parehas kayong nag tititigan. Dinadama ang tibok ng puso ng bawat isa. Bawat tugtog ng love songs eh humihigpit ang inyong hawakan.

Sa oras na itutugtog na ang last dance. Hindi bat ang pinakamagandang mangyari eh yung mag ka aminan kayong mahal niyo ang isat-isa?

Tutulog kang nakangiti. Mananaginip na masaya. Gigising na puno ng lakas sa umaga. Ohh mundong mapagbiro. Bakit mo tinapos ang kasiyahan ng isang batang uhaw sa kakiligan at pagmamahal. ]

Basta, palaging tatandaan. Save the last dance dun sa taong gusto mo ah? At kapag hindi mo maisasayaw sa huli yung taong gusto mo? Edi wag ka ng choosy. Kahit sino na lang.


No comments:

Post a Comment