Minsan hindi mo alam gagawin mo kapag bigla na lang nawala
ang relasyon. Minsan hindi mo alam ang mga bagay na dapat mong isipin
kasi nga hindi ka naman handa. Parang itouch,iphone,ipad na ayaw mag
SYNC dahil nga hindi mo tanggap ang mga pangyayari.
Bigla mo na lang namimiss yung mga bagay at pangyayari na
pinagsamahan niyo dati. Hindi mo alam kung saan ka nagkulang, kasi nga
sobra pa nga yung ipinakita mo. Nakakayamot talaga yung ganung
pakiramdam. Naranasan ko rin yan. Minsan hindi mo alam ang
dahilan kung nagsawa ba yung partner mo o may mali ka talagang nagawa.
Bakit nga kaya bigla na lang nawawala ang pakiramdam ng isang tao...
Sabi nga sa kantang biglaan, “Onti-onti na lang sanang nawala." Na which
is mas maganda, para kahit papano yung taong nakaranas nung biglaan eh
hindi masyado masaktan, kumbaga, nagkakaideya siya sa mangyayari,
napaghahandaan niya. Pero yung mahal na mahal mo pa yung isang tao tapos
bigla ka nalang iiwan nito? Mapapa shit at tang ina that ka na lang eh.
Ang mahirap pa dito, kapag ikaw yung iniwan. Hindi mo alam kung
kailan ka ulit mag sisimula at magtitiwala. Tipong ang nais mo lang
talaga muna eh ipagpahinga yung nararamdaman mo. Pero biglang may mga
taong darating na hindi natin napapansin dahil nga hindi naka set ang
mga isip at puso nating magmahal. Kaya minsan nakakalungkot na dumaan
yung taong para satin pero hindi natin pinansin dahil nga sa sobrang
nasaktan ka pa sa nangyari sayo. Napakahirap nga naman kasi matalikuran
habang ikaw nagtitiwalang hindi ka niya sasaktan. Pero wala kang magawa
kundi tanggapin na kailangan mo ng gumising sa isang panaginip at
pantasya na siya na.
People come and go ika nga. Natututo tayo sa mga pagkakamali natin at
ng ibang tao. Alam mo dapat kung kailan lalaban. Kung kailan kakapit.
Never mong isara ang puso mo sa susunod na taong darating. Ingatan mo
lang ang sarili mo. At higit sa lahat, huwag padalos dalos sa desisyon.
Hindi lahat ng taong sweet sayo eh gusto ka. Minsan, wala lang rin
silang magawa. Kaya ingat palagi.
No comments:
Post a Comment