Minsan nangyayari sa relayon yung palagi na lang ikaw ang mali.
Tipong kahit sila ang may kasalanan, hahanap at hahanap sila ng paraan
para ikaw ang lumabas na masama. Kahit na ikaw ang nasaktan, ikaw pa rin
ang mali. Kahit na ikaw na ang naiwan, ikaw pa rin ang masama. Ikaw na
ang iniwan, sila pa ang bitter.
Minsan, nakakaloko na parang nawalan ka na ng boses sa relasyon niyo.
Yun bang, naghihintay ka ng sasabihin niya tska mo gagawin. Kumbaga sa
relasyon niyo ikaw yung naging tuta at siya ang naging amo. Minsan,
magugulat ka bakit naging ganun ang format niya. Lalo na’t ikaw yung
babae. Tipong nung nililigawan ka niya hindi naman siya ganun. Tapos
kapag pinakita mo yung motibong gustong gusto mo siya eh biglang
mababaliktad at hindi na nagiging pantay ang tingin niya sayo at sobrang
taas na ng tingin niya sa sarili niya.
Ito yung mga ma pride na tao na may karelasyon na masunurin. Dahil
nga sa takot mawala yung taong yun. Sinusunod na lang niya at nakikisama
na lang. Kahit na sobrang nasasaktan na sila, patuloy na lang silang
ngumingiti dahil alam nila na kasama yun at parte sa relasyon. Ang
pagsasakripisyo. Kahit na ang kapalit pa nito eh ang kanilang kasiyahan.
Alam mo yun.. Na kung ikaw yung may kaibigan na ganito eh gusto mo
siyang iligtas at gusto mo na siyang humiwalay dun sa taong yun dahil
nga sa naaawa ka sa kanya. Pero wala kang magawa at ayaw mo namang
maging dahilan ng pagkakahiwalay nilang dalawa.
Dapat kasi kapag nasa relasyon ka. Dalawa kayong may boses. Parehas
kayong open sa opinyon ng bawat isa. Ang relasyon ay pang dalawahan.
Hindi ito isang opisina na may manager at may tauhan na susunod sunod
lang.
No comments:
Post a Comment