Nakakainis yung panaginip. Isa pa rin yun sa mga paasang pwedeng
mangyari sa isang tao eh. Ang kulit na may ibang mundo tulad ng
panaginip. Totoo kayang masaya dun pag naiwan ka dun sa panaginip na
yun? Kasi lahat ng magandang nangyayaring imposible sa realidad eh
nangyayari dun. Madalas tayong malungkot kapag nagigising tayo kasi
hindi pala totoo. Tipong magkasama na kayo nung taong gusto mo tapos
ramdam mo talagang hinahawakan mo kamay niya. Alam mo yun? Yung pantasya
na binubuo ng panaginip na nararamdaman ng puso mo yung saya kahit
tulog ka? Yung para bang kahit isang beses sa buhay mo naranasan mong
makasama siya kahit sa panaginip lang.
Kaya may mga kanta at kasabihang “Kung panaginip lang ito sana ay
huwag na akong magising pa.” Paano nga naman, ang sakit tanggapin ang
realidad na hindi naman kayo magsasama. Na kahit gaano kaganda ang
panaginip magmimistulang bangungot ito sayo dahil hindi naman ito totoo.
Minsan ok pa yung masamang panaginip eh. Kasi pag gising mo masaya kang
hindi totoo. Hindi tulad ng masaya ang panaginip mo. Kapag nagising ka
malulungkot ka pa.
Gulo ng buhay no? Pero totoo naman talaga yung reality is better than
your dreams. Pero sana no? Yung masasayang panaginip sana kahit isang
beses.. Mangyari sa tunay na buhay. Parang teleserye kasi pinapanuod
natin na tayo ang artista at siya eh. Tipong may teleseryeng kayong
dalawa ang love team. Kaso yung teleserye na pinapanuod mo eh walang
schedule. Kaya hindi mo alam kailan mo ulit ito masusubaybayan.
Well, that’s life. We have to deal with it.
No comments:
Post a Comment