Tuesday, March 05, 2013

Para sa mga taong lagi na lang nasasaktan...:(

Sa likod ng mga nangyari sakin.. Ayun, natuto na lang akong maghintay. Mahirap pala talaga kapag minamadali mo ang mga bagay na hindi dapat madaliin. Dapat palang hihintayin na lang biglang maramdaman. Kapag kasi naghahanap tayo, madalas akala natin yun na. Paano kasi naghahanap tayo ng isang taong hindi naman natin kilala, kumbaga sa isang Adventure nag travel ka ng walang Mapa. Sa isang gera sumugod ka na wala namang misyon. Parang sa paghahanap din ng pagmamahal madalas tayong maghanap na hindi naman alam kung ano ba talaga ang gusto natin. Madalas sinasabi ng tao na kahit walang itsura, basta mahal sila. Syempre, aasa yung mga taong yun sayo. Sasabihin mong naghahanap ka ng pagmamahal pero nung dumating tinaboy mo dahil hindi mo gusto. Yun ang point ko. Hindi mo kasi alam kung ano ang talaga ang gusto mo. Inlove ka sa feeling ng “InLove.”

Time will come na maiintindihan din natin na bakit patuloy tayong nasasaktan. Kapag masyado kang nabibilisan sa nararamdaman mo. Dapat palagi mong tinatanong ang sarili mo kung Infatuation lang ba yan? o kaya naman baka Attracted ka lang? Or akala mo madalas love. Tapos kapag may nakita ka na namang bago Love na naman?

Di dapat ganun. Sa tingin ko, masyado mong pinipressure ang sarili mo maghanap ng taong mamahalin. Sabi nga ng isang taong bumasted sakin. “There’s more to life than love.” Na akala ko love na rin dati. Pero ano nangyari? Lumipas ang araw, natanggap kong wala siya. Na akala ko Love yung naramdaman ko sa kanya. Tapos yun, tama nga ako. Attracted lang pala ako sa kanya. Ganun dapat, huwag ka kakapit sa taong hindi ka handang hawakan. Pinaglalaban mo ang isang taong hindi alam na siya yung pinaglalaban mo. Kung ayaw niya sayo, walang pakialam sa nararamdaman mo yan. Tandaan mo yan.

Oras na para pagbigyan ngumiti ang sarili mo kaibigan.

No comments:

Post a Comment