Friday, March 08, 2013

Life is meant to be happy for God sees it as good!

Kapag gusto mo maging masaya at pakiramdam mo eh ayaw ng tao ito para sa iyo, huwag mo silang pansinin. Gawin mo ang gusto mo. Mabuhay ka sa buhay na ibinigay sayo. Dapat palagi mong iisipin na may gawin ka man o wala sa tao, patuloy itong may sasabihin tungkol sayo. Huwag mo silang hayaan na diktahan ka kung ano ang dapat sayo.

Madalas kasi ang tao ang palaging iniintindi eh pasayahin ang karamihan. Pero yung sarili niya eh hindi niya mapasaya. Wala naman silang magagawa sa gusto mong gawin eh. Hangga’t masaya ka at wala kang ginagawang masama, di ba? Bakit mo iisipin ang opinyon ng iba? Eh may buhay din naman silang kanila.

Kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Kapag may mahal ka? Ipaglaban mo hanggang sa makakaya mo. Hanggat di ka nagiging tanga edi go. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Ayan kasi ang naiisip mo na magpapasaya sayo eh. Yung siya ang makakasama mo sa buhay mo. Pero kapag wala ka ng pag-asa, eh di hanap bago. Happiness is a choice. Hindi ka palaging malungkot. Kaya tayo nalulungkot dahil iniisip natin yung kasiyahan ng iba at nakakalimutan natin na pwede namang pasayahin ang sarili na wala ang opinyon ng ibang tao. Hangga’t di ka nagiging makasarili. 

GO lang nang GO!

No comments:

Post a Comment