Kapag single tayo. Napakarami nating pangarap sa taong gusto natin. 
Karamihan gusto eh yung tinipid yung paningin also known as “Singkit”. 
May mga taong gusto naman eh parang kwago yung mga mata also known as 
“Malinaw ang mga Pangarap”. Napakarami nating gustong mga magagandang 
Physical Appearances. 
Pero alam mo ang maganda kapag bigla kang tinamaan ng Love na yan? 
Nawawala lahat. Yung lahat ng kailangan mo sa isang tao eh nawawala 
kapag nakita mo at naramdaman mo yung love na yun sa tao. Wala ka ng 
pake kung ano itsura niya. Basta naibigay niya yung pagmamahal na 
hinahanap mo at yung atensyon na matagal mo ng hinahanap.. Nawawala 
lahat ng iyon.. Itatabi mo ang pagiging High Standard mo. Sabagay, 
pangarap nga lang naman yun eh. Pero ang kulet lang kasi yung naiisip 
nating Prinsipe/Prinsesa ng buhay natin. Hindi nagkakatotoo dahil mas 
masaya ka sa nakita at nakasama mo ngayon.
Nandoon ang Love. Hindi nasusukat sa Pisikal na Anyo. Sa huli 
kukulubot ang lahat ng balat niyan. Mahalin mo yung taong bibigyan ka ng
 magandang buhay. Hindi yung magandang lahi lang. Nabigyan ka nga ng 
magandang lahi. Pumangit din dahil wala kayong mapakain o naghihirap. 
Not judging naman din lahat ng may itsura eh walang maibibigay na 
maganda sayo. Pero look at the brighter side. Mas marami ang choices 
kapag wala kang standards diba? Kapag pag-ibig na mismo ang pumili ng 
taong para sayo? Tipong siya na mismo eh sobrang perpekto na sayo. Wala 
ng makakahigit pa. Masasabi mong sure ka na. Siya na nga at wala ng iba.
Ang sarap magmahal ng ganun. Hindi ka magsasawa. Kasi minahal mo siya
 sa ugali. At hindi sa pinapantasya mong diwata o kaya naman eh knight 
in shining armor mo.

No comments:
Post a Comment