Minsan yakap lang naman talaga ang kailangan natin, yakap sa
taong mahalaga sa buhay natin, yakap ng taong nais nating mahalin, yakap
ng taong nagmamahal sa atin. Minsan sa yakap lang eh solve na solve na
ang araw mo bilang tao, kailangan ng tao ng yakap sa araw-araw.
Kapag hindi nakaramdam ng isang tao ang yakap na inaasam, nag uumpisa
itong malungkot, nag uumpisang maghanap ng atensyon. Nagsisimulang
malungkot dahil nararamdaman na naman ang pag-iisa.
Kapag malungkot ka, yakap lang solve ka na. Kapag may tampuhan, yakap
lang solve ka na. Kapag may hindi pagkakaintindihan at nagkasakitan,
onting lambing at yakap lang ayos na. Minsan mas mainam pa ito sa halik.
Maari kasi itong gawin sa kahit saang parte na lugar hindi tulad ng
halik.
Yakap.. Yakap ang isa sa mga bagay na gagawin ng isang tao para malagyan ng ngiti ang ating puso at ating mga labi.
No comments:
Post a Comment