Wednesday, March 27, 2013

GANITO KASI YAN



Hindi mo maiintindihan ang isang tao kapag wala ka sa posisyon nila, lalo na kapag sila yung nagmamahal. Unang-una, hindi mo alam ang tumatakbo sa isipan niya. Kung ano ang kilig at kabang nararamdaman niyan sa tuwing nakikita o nakakasama niya yung taong mahal niya.Yung iba pa nga, sa maniwala ka o sa hindi (pero mas makakabuti sayo kung maniniwala ka na lang..lol), halos matatae na sa sobrang kaba at hindi alam ang gagawin kapag nandyan na yung iniibig nila! Kung ano yung mga bagay na nagagawa na lang niya basta kasi nga mahal niya yung taong yun.

Kumbaga wala naman tayo sa sapatos nila para husgahan ang mga pangyayaring naganap. You will never know until you’re in love with someone else din. Tipong hindi mo ma imagine yung sobrang kasiyahan na pakiramdam kapag naramdaman mo yun. Kasama na rin dun kapag nasasaktan ka syempre.

Kaya hayaan mo lang sila sa gusto nila. Trip nila yun eh. Hanap ka ng sayo. Eto otso pamasahe mo papunta sa taong mamahalin mo.

:)...salamat!

No comments:

Post a Comment