Wednesday, March 27, 2013

Mensahe ko sa mga mag ON na puro na lang away at nagbabalak ng sumuko!


Sa dami na ng away na napagdaanan niyo ngayon pa kayo susuko. Parang nakakaloko naman diba? Tipong sa dami ng luhang bumagsak sa inyong mga mata eh ngayon niyo pa maiisipang maghiwalay? Wala na bang pag-asa talaga yan? Talaga bang susuko ka na lang ng ganyan? 

Ang hirap kasi sa tao, kapag nag-aaway,basta lang nag-aaway. Tipong sinosolve nila ang problema pero wala silang natututunan. Siguro kampante sa isa’t-isa na magkaka ayos din naman. Pero ang tanong dito eh, paano kung napagod na yung isa? Di ba mas mahirap yun? Mawalan ng taong minamahal? Hindi ba’t malaking batok sayo yun dahil sumuko ang tao sayo sapagkat parati na lang kayo nag-aaway? 

Dapat kasi may natututunan kayong dalawa kapag nag-aaway kayo. Hindi yung lalabas sa mga dahilan niyong dalawa na “Palagi na lang kasi kaming nag-aaway eh,” dapat kasi pinag uusapan niyo yung problema hindi yung hahayaan mo dahil mahal mo. Hindi naman puro pag titiis ang pagmamahal. Jusmiyo, pumasok pa kayo sa relasyon kung magiging sunod sunuran ka rin lang. Dapat nagbibigayan kayong dalawa eh, may mga binibigay na sakripisyong ang bawat isa dahil nga sa committed na kayo. May pakialam kayo sa isa’t-isa.

Nakakairita kasi yung away ng away ng wala namang katuturan. Sobrang babaw ng problema pinapalalim. Tapos minsan yung may kasalanan pa ang may ganang magtaas ng pride. Tipong deny hangga’t mapapaniwala mong totoo ang sinasabi mo. Yung deny hangga’t walang ebidensyang pinapakita. Ayan ang hirap sa mga taong nasa taken for granted na relasyon eh. 

At sa mga na uunder naman sa relasyon, eh magsabi kayo at hindi yung puro tahimik lang kayo diyan. Mag open ka sa kanya. At kapag hindi tinanggap ang problemang sinasabi mo at hinayaan kang mag-isa, eh di pabayaan mo. Aba loko pala siya eh, papasok pasok sa relasyon na kasama ka tapos iiwan ka mag-isa? Mas mabuti pang mag-isa kung ganyan na lang. Pumasok ka sa relasyon para mahalin at sumaya. Hindi magtiis at mamroblema. Oo kinuha mong package yan. Pero pakshet naman. Pwede bang lamang yung kasiyahan?

May mga relasyon kasi na mas madalas malungkot yung taong nandun eh. Tipong okay ngayon. Bukas hindi ulet. Nakakarindi diba? Kaya ayusin dapat hangga’t kayang ayusin. Huwag mo hayaang mag-isa yan.. Ikaw ang mahal niyan eh. Ikaw ang aasahan niyan. Ikaw rin ang nag-iisang kakampi na aasahan niyan. Swerte nga kayo eh. May pag-ibig kayong pinaglalaban. Yung iba nga na single, laban lang ng laban. Wala namang napapala.

No comments:

Post a Comment