Iba talaga kapag inlove ka, may sarili kang kilig sa sarili mo, yung mag-isa kang tumatawa, yung mag-isa kang ngumingisi, may sarili kang mundo. Makatext o makausap mo lang siya, sobrang saya mo na. Kakaiba eh, iba ang pakiramdam. hindi naman siguro Love sa una, siguro eh wiling wili ka lang makausap siya, hindi bat magandang simbolo ito na natututo ka na ulit magmahal? Na parang handa mo na ulit harapin ang bukas na kasama siya.
Pero mahirap pasunggab sunggab, kumbaga sobrang nipis lang ng taling dinadaanan mo, doon sa nipis na yun ay maari kang mahulog, swerte mo na lang kung sa oras na mahulog ka eh sasaluhin ka niya o kaya naman aabotin ang kamay mo at sabay kang iaakyat papunta sa mundo ng kasiyahan.
Kanya kanyang karanasan yan eh, paano sila magmamahal, paano nila sasagutin yung nanliligaw sa kanila, anong diskarte ang gagawin ng mga lalake para mapasagot ang iniirog nilang babae.
Basta, sobrang kakaiba talaga, ibang iba ang pakiramdam kapag nagmamahal ka na. Mawawala lahat ng kapaitan mo sa buhay, kasi minsan kaya ka lang nagiging mapait sa isang bagay dahil naiinggit ka. Gusto mo meron ka rin noon, gusto mo makuha mo rin yon. Paano mo makukuha yung mga bagay na yun? Simple lang. Matuto tayo maghintay.
...to read more, you can click the HOME:)
No comments:
Post a Comment