Wednesday, March 27, 2013

Yung tipong ang lungkot lungkot ng buhay mo..:(



Minsan ganito ang laman ng nararamdaman natin lalo na kapag malungkot tayo. Madilim, nakakatakot. Pakiramdam ng isang taong walang pag-asa sa buhay. Lalo na kapag pakiramdam natin wala ng nagmamahal sa atin. Ulila sa kaibigan, ulila sa taong minamahal at sa tingin mo ang tanging nagmamahal na lang sayo eh yung mga relatives mo. Magulang mo, kapatid mo, ninang, ninong, lolo, lola at kung sino pa mang malapit sa pamilya mo. 

Hirap ka makahanap at hirap ka magtiwala sa mga taong nakikita mo lang sa paligid. Sa mga taong nakikilala mo lang kung saan-saan. Minsan daig pa ang bagyo at signal number 5 sa sobrang lakas ng danyos na dulot ng problemang ito. At madalas, kapag bumaha na dahil sa bagyo ang bigat ng dibdib eh umaawas ito sa mata at nagiging luha. 

Pero ang maganda dito, kahit na anong bagyo ang dumating sa buhay mo. Patuloy ang buhay. Patuloy na lulusungin ang matinding baha. Hindi papansinin ang lakas ng kidlat sa bagyong ito. Hindi matatakot sa kulog at sa mga sabi sabi ng mga taong nasa paligid mo.

Tandaan: 

Ang lahat ng problemang dumating ay may solusyon. Kailangan mo lang ng tamang desisyon.


"The best way to escape your problem is to solve it."

No comments:

Post a Comment