Wednesday, March 27, 2013

Saludo ako sa mga SINGLE MOM na pinapangatawanan ang kanilang bagong resposibilidad sa buhay!



Bakit? Dahil sila ang mga taong piniling buhayin ang anak. Mga babaeng naging responsable sa nagawa nilang pagkakamali. Pero sakin hindi pagkakamali yun. Ginusto naman nila yun e. Hindi nila pwedeng sabihing hindi ginusto. Hindi rin niya masisisi yung lalaki. Bakit? Eh kung ayaw naman talaga niya mangyari edi walang mangyayari diba? Hindi naman dun nasusukat yun e. Naalala ko dati sabi nila na pagkasal lang pwede yun.(Totoo naman yun at hindi yun magbabago kahit marami na ang hindi sumusunod sa turo na iyon ng simbahan.) Haha, eh ngayon 14 years old pa ata, eh divirginized na. Dahil sa prostitusyon.

Di bale. Balik na tayo sa mga magigiting na ina.

Naaawa ako sa kababaihan dahil may mga kaibigan akong single mom.
Meron naman yung iba eh may anak na pero hiniwalayan ng ama nung anak pero may boyfriend naman tong si single mom.

Meron ding talagang nag-iisa lang at naghahanap ng taong tatanggap sa kanya. Meron namang may paninindigan na ayaw nila at kaya daw naman nila buhayin ito.

Super saludo ako sa inyo kung sino man kayo o kung meron mang nakakabasa nito na nasa followers ko.

Wag kayong mahiya. Maging proud pa nga kayo. At nagawa niyo na magsilang ng anak. hindi man wastong gulang. eh naging wasto naman ang inyong pa-iisip na ituloy kung ano ang dapat ituloy.

Kesa sa iba. Puro sarap lang. Pag nangati o hala sige bira. Tapos pag nangyari na. Wala na. Di man lang mag dalawang isip na buhayin ang bata.

Malay niyo kung sino yun. Future Astronaut? Future president na makakaresolba ng mga major major na suliranin ng bansa? O isang valedictorian na tutulong sayo pag tanda.

Hindi natin masasabi. Sana naisip nila na hindi rin nagdalawang isip yung mga magulang nila na buhayin sila para magawa yung mga ganung bagay.

No comments:

Post a Comment