Monday, March 25, 2013

Karma is a bitch!




Madalas, na tataken for granted yung tao dahil akala lagi nung mga gumagawa nun eh may nagmamahal sa kanila na marami. Tapos ang gusto nitong mga taong ito eh makuha ang lahat ng taong may gusto sa kanila. Kaya kapag ginawa na nila ang makasariling desisyon eh bigla nilang mapapansin na wala palang nagkakagusto sa kanila. Kumbaga, hindi siya nakuntento sa kung anong meron siya. 

Akala niya lahat ng tao sa paligid niya gusto siya. Pero madalas ang mga tao sa paligid mo eh tukso lang sa relasyon niyo. At siguradong kapag nagpaapekto ka dito eh siguradong hindi maganda ang kalalabasan.

Dapat matutunan ng tao makuntento at higit sa lahat maging loyal. Kumbaga, maging fair ka naman sa taong kinakasama mo. Ayaw ka niyang masaktan at ayaw mong masaktan kaya niya ginagawa yun. Tapos yung mga taong makasarili eh iiwan ka lang basta at iiwan kang parang walang nangyari. Iiwan kang parang walang pakialam sa nararamdaman mo. Palibhasa, nakakuha ng atensyon ng iba at “mas” may itsura eh dun na agad siya. Mga taong nakalimutan na hindi mahalaga yun.. na hindi niya makikita ang kasiyahan sa taong yun.. Mga taong pinakawalan ang pagkakataong sumaya ng husto kasama ang taong wagas magmahal.

Ganyan ata talaga, kapag “AKALA” ng tao eh marami siyang options. Well.. Karma’s a bitch ika nga :)

No comments:

Post a Comment