Sarap lang kapag may matagal ka ng kaibigan na hindi nakikita tapos
nagkaroon kayo ng pagkakataon magkita... Tipong Machine Gun ang pinag-uusapan niyo dahil hindi kayo nauubusan ng kwento. Kapag sobrang tagal
niyo ng hindi nagkita kasi marami na kayong mapapansin sa isa’t-isa.
- Unang mapapansin panigurado eh kung tumaba ka ba o pumayat ka. Syempre, yun agad ang unang mapapansin dahil yun ang mabilis makita. Ganun kasi ang tao. hehehe
- Pangalawa eh nag-iiba yung topics niyong dalawa. Lalo na kung taon kayo nawala eh masasabi mong nag mamature na kayo sa mga pinag-uusapan niyo.
- Hindi na puro love life. Kapag college na rin ang long lost friend mo eh mapag-uusapan nyo ang ginagawa niya sa kurso niya at mga bagay na ginagawa mo rin sa kurso mo.
- Yung mga bagay na tatanungin niya kung anu-ano na ba ang ginagawa mo at pinagkakaabalahan sa buhay,
- Mga tanungan bakit ngayon lang ba kayo nagkita?
- Yung way paano niyo i handle ang pag-ibig. Napagkwekwentuhan niyo bakit kayong parehong single, kung ano yung mga pananaw niyo sa buhay bakit kayo nanatiling ganun.
- O kaya naman kung taken eh todo open itong si kasama mo ng problema nila at happy moments ng bf/gf niya. Minsan naman napagtatanungan kung paano nakawala sa GF/BF niya. Itatanong kung ano ang pinaalam dahil nga naman kapag taken na eh pinagdadamot na sila ng Partner nila.
Sarap lang ng ganung klase ng usapan. Napaka informative at
nakakagaan ng loob at the same time. Syempre, yun naman ang masarap na
feeling eh. Yung may nakikinig sayo at alam mong inaabsorb niya ito.
Kumbaga nakakakuha ka ng suporta mula sa kanya at alam mo sa sarili mong
hindi ka nag-iisa.
No comments:
Post a Comment