Wednesday, April 17, 2013

KAPAG MAY SAKIT KA...:(


Hindi mo alam sino ang tatakbuhan mo o sino ang pagsasabihan mo lalo na’t mag isa ka lang sa buhay mo. Useless ang pag-iingay sa mga social networking sites dahil iba pa rin yung may taong mapagsasabihan ka tapos kahit sa mga text messages or chat man lang eh may mag-aalaga sayo. 

Minsan kasi nakakalimutan nating may sakit tayo kapag kausap natin sila dahil bigla na lang gumagaan ang pakiramdam natin at lumulusog ang puso natin. Kasi nakakaramdam tayo ng sobrang kaligayahan habang kausap siya. Tipong siya lang pala yung hinahanap mong gamot para maging maayos ang pakiramdam mo.

Tapos yung point na lalambingin ka niya, tapos yung mga lambing na salita tulad ng:
  • Sana nandiyan ako para alagaan kita.
  • Hati tayo sa lagnat mo oh? Para di ka na po mahirapan.
  • Ang kulit mo naman kasi, bakit ka nag paulan.
  • Uminom ka na ng gamot, kapag di ka uminom ng gamot magagalit ako.
Mga ilang sample ng napakasarap kapag may taong nagmamahal talaga ng tunay sayo. Kaya patuloy na naghahanap ang karamihan eh, kahit na nasasaktan sila, tuloy pa rin ang buhay. Para hanapin ang kani kanilang ligaya.

No comments:

Post a Comment