Sarap ng gigising ka sa umagang wala ka pa masyadong pinoproblema. Ayun ata purpose ng bakasyon. Magpuyat na walang inaalalang mangyayari kinabukasan. Pahinga kung pahinga kumbaga. Isang patunay na kapag inisip mo ang hinaharap eh hindi mo ma eenjoy ang kasalukuyan.
Parang bakasyon, kung graduating ka at OJT mo din ngayong summer eh nakakainis isipin na mag-eenrol ka pa at nalalapit na ang pasukan mo bilang trabahador na ikaw pa ang nagbabayad hindi ba?
Sa ganung tema... hindi mo na-eenjoy ang bakasyon dahil iniisip mo ang OJT mo. Or kapag highschool ka pinoproblema mo agad kung ano ang meron sa buhay ng college. Iniisip mo yung pressure at yung mga bagong kaibigan. Sayang tuloy yung moment ng pahinga mo. Inistress mo agad yung sarili mo.
At kapag may tao kang mahal iniisip mo agad yung hindi pwede dahil ganito ganyan ng hindi na eenjoy yung kasalukuyan. Hindi mo binibigay ang lahat dahil alam mong maghihiwalay din kayo dahil nagkaroon kayo ng problemang dalawa. Kaya kadalasan bitterness ang nakukuha dahil yung iniisip mo about the future eh hindi mo naranasan or nangyari. Di mo naeenjoy yung kilig dahil iniisip mo yung bagay para masaktan ka.
Bottomline is, seize the moment. Enjoyin mo lang kung ano meron ngayon. Dahil if it’s meant to be, it’s meant to be. Sabi nga sa kasabihan na eenjoy mo mag set ng goal pero ang madalas makalimutan ng tao eh yung proseso. Start appreciating small things. Tulad nitong bakasyon...minsan lang yan sa isang taon mangyayari. Kaya enjoyin mo lang.
No comments:
Post a Comment