Wednesday, April 17, 2013

Maging totoo sa nararamdaman. Huwag gawing ad experimentum lang ang isang relasyon!


For me, hindi mo mapag-aaralang mahalin yung isang tao. Kasi unang-una palang, niloloko mo na sarili mo. Pwede mong subukan pero sa huli may masasaktan at masasaktan. Paano pala kung pinag-aralan mo siyang mahalin. Edi syempre bibigyan mo siya ng atensyon. Paano na lang kung sa huli eh hindi mo talaga siya ramdam? Edi umasa siya. Nasaktan mo siya. Malamang.. Kaya mo nga pag-aaralan mahalin kasi mahal ka ng taong yun eh. At yun ang masakit sa isang taong nagmamahal. Ang maramdaman niyang minamahal mo siya dahil naawa ka na lang sa kanya.

Kaya for me, the best thing na gawin ay sabihin na lang agad na wala ng pag-asa para wala ng aasa pa. Wag na mag-isip ng magagandang salita para lang mapagaan ang loob niya. Kung ang layunin mo lang naman ay umiwas sa kanya. Just tell him/her na wala ka na talagang magagawa and you can’t provide the love na gusto niya. That’s life eh. May karapatan siyang magmahal. At may karapatan ka ring humindi sa gusto niya. Hindi naman nga kasi porket mahal tayo eh kailangan nating i entertain lahat. Sabi nga sa Perks Of being a Wallflower na yan na ” We accept the Love We Think we Deserve.”

Tulad din ng sabi ko dati, gusto ng tao yung naghahabol palagi. Para kapag nakuha nila yung gusto nilang yun, iba ang pakiramdam sa kanila. Andun yung excitement. Hindi yung andyan na lang basta basta. Ang kulet nga eh at the same time ang gulo ng tao pag dating sa ganung bagay.

Hindi masama maging prangka. Hindi masama maging tapat. Kung sa ikakabuti naman ang patutunguhan eh. Huwag ka matakot mag dump ng tao kung ayaw mo talaga. Much better yun. Kesa entertain ka ng entertain, sa huli wala rin pala.

No comments:

Post a Comment