Loko loko yung magsasabing naghiwalay dahil sa walang communication. Tapos parehas nasa Pilipinas lang. Haha! Eh nagkalat ang komunikasyon dyan. Andyan ang Facebook, Twitter, Voxer, Skype, Viber, Kakao Talk, KiK Messenger, Yahoo Messenger, Facetime, BBM, Camfrog ( haha ) at sobrang dami pang libreng applications na magiging daan para magkausap kayo.
Sabi ko nga, naging busy din ako na tao. Pero hindi tamang excuse yung busy ka para lang hindi makausap yung taong importante sayo. Hangga’t kayang isingit eh sinisingit ko. Tska, wala bang break yung pag kabusy na yun? Syempre, kakain ka at magpapahinga. Pwede naman isabay yung simpleng pag text lang eh.Pero yun nga ang pagtetext o pagtawag ay hindi pagpapakita ng effort, simpleng maintenance lang yun. But at least di ba? Ginagawa mo yun para makaconnect sa kanya! That's better than nothing!
Hirap kasi ngayon, papasok sa relasyon tapos kung sino yung mas nagmamahal eh i tataken for granted lang. May mga succesful relationships nga na nasa ibang bansa pa yung isa eh. Pero kung nasa same country lang naman kayo. It means nagkukulang ng effort yung isa. Or taken for granted yung isa. Kumbaga hindi siya natatakot dahil alam niyang hindi siya kayang iwan. Kaya ginagawa niya lahat ng gusto niya habang yung isa nag-hihintay sa kanya. Napipikon ako sa taong ganun.
8 out of 10 na humihingi ng payo sa akin, karamihan ang problema nila ay tungkol sa kawalan ng oras ng tao sa kanila. Ako, iniimagine ko, how the fuck na pwede mangyari yun? Mahal? Tapos komunikasyon lang at oras hindi maibigay? Why bother pumasok sa relasyon kung ganun din lang? Ano yun? Pag encode lang ng Isang program? Trial and Error lang?
No comments:
Post a Comment