- Kapag hinanap ka niya agad sa oras na nalulungkot siya.
- Kaka break palang nila, ikaw na agad nilapitan niya at umpisang lambingin niya.
- Lagi ka niyang kausap, yung usap na parang nagpapakita ng motibo. Pero wala naman talaga.
- Madalas maputol ang komunikasyon niyo ng walang paalam. Kumbaga, kung kailan ka lang niya gusto kausapin. Tska ka lang niya papansinin.
- Nagsasabi ng matatamis na salita sayo. Pero hanggang dun lang.
Ano ang dapat gawin? Dapat meron kang common sense kahit papano na ni rerebound ka nalang ng taong yun. Kunwari, kaka break lang. Imposibleng gusto ka agad nun. Minsan nalulungkot lang sila kaya kailangan nila ng dadamay sa kanila. After nila maging masaya? Wala na. Iiwan ka na nila. At kapag sa tingin niya ok na ulit sila nung iniwan niya? Babalikan niya yun. At ikaw? Nganga? Tulala sa isang tabi. Puro pag aassume ang ginawa. Habang sa kanya. Walang nawala. Hindi ko rin masasabi sayo na lumayo ka sa kanya dahil alam kong hindi mo gagawin yun dahil gusto mo siya. Pero hangga’t maari eh dapat open ang isip mo na wala naman talagang posibleng mangyari sa inyong dalawa.
Naalala ko sa dati kong blog post na ang Rebound ay
Ito yung taong nagmamahal ng ibang tao para makalimutan lang yung isa.Kung baga ikaw yung sumalo. Parang sa basketball. Yung bola para pumunta sayo. Kailangan mo i rebound.In short.Pwede rin nating sabihin Panakip butas.Marami rami na rin ang gumagawa sa ganitong paraan. Panandaliang kasiyahan lamang. Pero ang totoo ang tunay nilang mahal ay yung taong nangiwan sa kanila.Sa rebound relationship. Maaring hindi alam nung isa na rebound siya. Dahil nung araw na tinanong siya kung mahal ba naman talaga siya. Sinabi nung isa na OO.Pero sino nga ba naman ang aamin kung rebound lang niya yung isa diba? Edi hindi pumayag.Minsan ang rebound ay ang mga taong hindi matimbang ang pagmamahal. Mga taong naguguluhan. Maaring mahal niya yung taong nangiwan sa kanya. Pero pwede ring naawa lang siya dun sa isa. Pwede rin namang mahal rin niya pero mas mahal niya talaga yung isa.Akala mo masaya na kayo. Tapos bigla na lang siya mag sasabing“Sorry, rebound lang kita.”
Pero masisisi mo ba sarili mo? Niloko ka man niya. At least ikaw, naging totoo sa sarili mong gusto mo siya or nagmahal ka :)
No comments:
Post a Comment