Para sa akin ang pinakamagandang bagay na dapat baguhin ng tao para sa taong 2014 ay yung espiritwal na aspeto ng buhay. Hindi dahil makarelihiyoso ako na tao kundi yun talaga ang sa tingin ko ay dapat. Kung babalikan natin ang mga nagdaang mga buwan sa taong kasalukuyan, makikita natin sa mga kagimbal-gimbal at hindi makakalimutang pangyayari yung mga sinyales na tayo'y dapat ng magbago. Marami ang namatay sa naganap na digmaan sa Mindanao. Marami ring buhay at ari-arian ang napinsala sa bagsik ng hagupit ng bagyong Yolanda at yung makalas na lindol na kamakailan lang ay nagpahirap sa libo libong mamamayan sa kabisayaang bahagi ng Pilipinas. Dagdag pa ang mga immoralidad sa pamahalaan. Korapsyon na noon pa'y pahirap na sa bayan. At marami pang ibang pangyayari na hindi katanggap-tanggap.
Bakit nga ba nangyari ang lahat ng yun sa ating bansa? Sa tingin ko isa lang ang sagot niyan. Ito ay dahil nakalimutan na natin ang Panginoon na siyang pinagmulan ng lahat. Naging makasarili tayo hanggang sa puntong wala na tayong pakiramdam sa ating kapwa na naghihirap. Hindi na natin isinasabuhay ang mga magagandang turo sa Bibliya. Naging sakim tayo at puno ng kasamaan ang ating mga puso. Kahit pa man marami ang nagpamalas ng kabutihang loob sa panahon ng trahedya, meron pa ring ilan (marami?) sa ating mga Pilipino ang patuloy na nagnanakaw at nanamantala sa mga bagay na pinaghirapan ng iba.
Sana po sa taong 2014 ay magbalik loob tayo sa Panginoon. Muli nating buksan ang ating mga puso at isipan at hingin ang Kanyang biyaya ng pagmamahal, kababaang-loob at pagtitiwala. Huwag na po sana tayong maging selfish. Sabi nga, share share din pag may time! Kung wala man tayong materyal na bagay, meron namang oras at talento ang bawa' isa, marami ang nangangailangan niyan. Isabuhay natin ang diwa ng kapaskuhan at yun ang pagbibigayan at pagmamahalan na siyang nais ng Panginoong Hesu Kristo. Kung magbahagi tayo ng ating mga sarili dapat yung katulad ng ginawa ng Panginoon nung Siya ay nagpapako sa krus para tayo ay maligtas. Yung pagbibigay at pagmamahal na walang inaasahang kapalit. Isang wagas na pag-ibig na sumisibol lamang sa puso ng tao na may malalim at matibay na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.
Ikaw, ano naman sa tingin mo?
Yeah. Tama.
ReplyDeleteMarami nadin kasi nangyayaring sakuna at kalamidad sa mundo natin kasi masama na ang mga tao, may iba, parang laro nalang sa kanila ang pagkitil ng buhay ng kapwa nila, may iba naman, hindi na tlga natatakot gumawa ng kasamaan. If magbalik loob tayong lahat sa ating tagapagligtas na si Hesus, tiyak na tutulungan niya tayong magbago at for sure if that will happen, LOVE, PEACE, FORGIVENESS and JOY ang maghahari sa mundo natin. Hindi ba masaya yun? No worries, no fears, no troubles, etc.
ReplyDeletehindi rin...hahaha! Isang malaking check Jheng.:)
ReplyDeleteBigyan ng jacket yan!