Friday, January 17, 2014

A thank-you note to a generous Sister!

(Slight serious)

This is not a book review but rather a simple comment about the book. Maganda na sana yung biography ni Ritchie, kaso nga lang napansin ko na may isang napakahalagang kabanata ng buhay niya ang hindi nabigyang pansin ng Author at yun ang tungkol sa kanyang love life ng siya ay hindi pa isang seminarista (pwede rin noong nasa loob na siya). Marahil nais lamang ng may akda na i-stress yung kanyang labis labis na pagmamahal sa Panginoon. Pero para sa akin mas maganda sana kung merong accounts tungkol dun sa buhay binata niya (tinutukoy ko po yung buhay pag-ibig niya) para mas makakarelate ang isang ordinaryong tao na tulad ko. 

Anyway, masaya pa rin naman ako at feeling inspired! Ako pa yata ang unang magbibigay ng comment na computerized sa lahat ng napahiram mo ng libro na ito. Kaya nais kong sabihin na sobrang saya ko ngayon! Natupad na din ang matagal ko nang pinapangarap sa buhay, ang maging first commentator. Napakaraming pagsubok ang dinaanan ko para lang maging first commentator. Iba pala ang pakiramdam kapag first commentator ka. Para kang inililipad sa hangin sa sobrang saya. Hindi lahat ng tao sa mundo ay nagagawa ang nagawa ko. Ang pagiging first commentator ay mahirap abutin at gawin, ngunit ngayong nagawa ko na, parang nagkaroon ulit ako ng panibagong lakas at pag-asa upang ipagpatuloy ang buhay. Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil kung hindi nila ako ginawa, malamang hindi ko magagawa ang bagay na ito. Nagpapasalamat din ako sa mga kapatid ko dahil sa walang sawang suporta nila sa akin noong puro 2nd at 3rd commentator lang ang nagagawa ko. Nagpapasalamat din ako sa maganda naming kapit-bahay dahil sa kanya din ako humuhugot ng inspirasyon noong panahon na ako ay nagsasanay pa para maging first commentator (hahaha). Nagpapasalamat din ako sa aso ko, hindi ko alam kong bakit. Sana yung iba rin maging first commentator balang araw! Seriously, I’m just kidding!

(Ito na po yung talagang bloody serious!)

First of all, (nosebleed ako…hehehe) I’m so thankful sa iyo dahil hindi ko lubos akalain na ganun ka kapala ka thoughtful na tao. You are a woman of your word! Actually, nakalimutan ko na yung tungkol sa sinabi mo na ipapahiram mo sa aking yung book. Tsaka isang taon na rin ang nakalipas kasi 2014 na ngayon pero totoo pala talaga na ipapahiram mo sa akin. Thank you so much for letting me borrow this beautiful and spiritually uplifting literary piece! Though it’s a small gesture of generosity and thoughtfulness but it speaks a lot of your personality. Pasensya na kung nilagyan ko ng cover yung book without your permission kasi naisip ko lang (wohh..nag-iisip na ako!) na dapat ingatan ang ganitong klase ng libro para marami pa ang maiinspired na tulad ko. Medyo tinamad ako magbasa kaya hindi ko talaga natapos. Pero natuwa naman ako dun sa mga nabasa ko at marami akong napulot na magagandang aral tungkol sa buhay relihiyoso.

The book is truly motivating, heart-touching and vocation-strengthening! Salamat na marami! Sana parehas tayong lumago sa ating kanya kanyang bokasyun. Pangarap ko po talaga na sa susunod na mga taon ay makita na kitang nakabelo. Lastly, I believe that religious life is a long journey of making friends kaya sana maging friends tayo hanggang sa huli…God bless you Sister CATHERINE!

No comments:

Post a Comment