Tuesday, January 14, 2014

Are you insaaaane? O_o nga!

Naalala ko nung 4th year ako sabe ng pastor sa YMC, yep tama ang nabasa mo, kahit ganito ako, may background parin ako ng pagsali sa Youth for Mary and Christ. O diba. Tikas ng dating. hahaha. O sha balik sa kwento, sabe ng pastor, kung nasa harap nya daw ngayon si Dr. Jose Rizal at sasabihin sa kanya na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Sasagutin nya daw yun ng, "Are you insaaanee?" sabay namimilipit na muka. Paliwanag nya, kung titignan mo daw ang kabataan ngayon, wala kang makikitang bakas na pwede mo masabe sa sarili mo na "Ah eto, pag-asa to ng bayan." Napa-isip ako, sya nga naman.

Kanya kanya ng pwesto oh!


Ito sa palagay ko kinatandaan na ang pagrurugby!
Ito wala na to...Epekto na siguro. Kita mo na? Kahit sila sa sarili nila kakarampot nalang ang pag-asa. Yung bayan pa kaya!

No comments:

Post a Comment