Lagi nating napapanuod sa mga
telebasura ng kung anu anung istasyon ang mga pagkakataong inaagaw ni
kontrabida si lalaki o babae sa bida. Pero kahit sa totoong buhay,
nangyayare din to.
Bakit kaya pinipilit parin ng
kontrabida na agawin yung karelasyon ng bida. Hindi naman siguro dahil
para lang saktan ang bida. Pero dahil talagang mahal nya yung taong yun.
Ang masama pa neto, alam naman ni kontrabida na nagmamahalan yung
dalawa pero ginagawa nya parin lahat para lang mapasakanya lang yun
taong gusto nya. Talagang lahat. As in. Kahit umabot na sa puntong
papatayin nya na yung bida para lang mapasakanya yung gusto nya na
karelasyon ng bida.
Hindi nya ba naisip na kahit
mapasakanya yung taong gusto nya, (Halimbawa nag success si kontrabida
patayin si bida at boto naman yung magulang ng babae kay kontrabida.) e
hindi naman sya yung gusto at mahal? Na mas masakit yung magkayakap kayo
pero hindi ikaw yung kayakap nya? Na parehas sila ng nararamdaman ng
mouse(ng computer) na sa kanya nga nakahawak ng mahigpit pero sa iba
nakatingin? Talaga bang nabulag na sya ng pag-ibig? Eto ba ang totoong
love is blind? Bobo lang ni kontrabida ayaw nya sa nagkakagusto sakanya
e. Kadalasan maganda din naman.
No comments:
Post a Comment