Bigla akong nagising. Pawis na pawis.
Malamig. Tumingin ako sa paligid, madilim pa. Tumingin ako sa mga katabi
ko sa higaan, tulog na tulog at naghihilik pa. Tumingin ako sa bintana,
madilim pa rin. Mukang madaling araw palang. Ang sakit ng tyan ko.
Kumukulo. Pero hindi gutom. Nahihilo na ko. Nagdidilim na paningin ko.
Kahit inaantok pa ko, alam na alam ko ang nangyayareng delubyo na ako
lang ang nakaka alam. Masama to. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tumingin kay inay, mahimbing ang tulog. Pero no choice, kailangang
gisingin. Kailangan ang tuloy ni inay.
"Inay! Inay! Samahan mo naman ako sa CR oh."
Tumayo agad si Inay, mabute nalang. Hindi ko pa kase kayang labanan ang dilim e.
"Natatae ka?"
Gusto ko sanang barahin pero wala ako sa mood. Taeng tae na talaga ako.
"Opo."
"Oh halika na bilisan mo."
Nauna
syang pumunta sa CR, kasunod ako. Isa pang dahilan kung bakit hindi ko
kayang magpunta sa CR pag madaling araw e bukod sa madilim ang daang
tatahakin, E dahil sa labas ng bahay ang CR namin. Hindi ko na talaga
kaya. Nagpupumilit na silang lumabas. Lahat nagmamadaling makita ang
liwanag. Hindi ko na kaya. Shet! Bibigay na. Konting tiis pa. Malapit
na. Pagdating sa CR, binuksan ni inay ang ilaw. Ugh! Konting tiis
nalang. Inayos ang inidoro. Sige konti pa. Nilagyan na din ng tubig ang
balde na mula sa drum. Hindi ko na talaga kaya. Gusto ko nang bumigay.
Hinubad yung short ko.
"Oh yan anak, umupo ka na.... Teka anak! dito!.... Ay! tsk. Sige na maghugas kana."
Aaaaaaaaaahhhhh!
Sarap! Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Sobrang sarap sa feeling. Sunod
sa pagaano. Haha. Saka ko lang naisip na hindi pala ko nakatapat sa
inidoro, at hindi nakatayo ako! Shet! Pagkatapos ko maghugas, nagsuot na
ako ng shorts at lumabas na. Nauna na ako sa umalis. Hindi na ako
lumingon, ayaw kong mandire sa madaling araw. Kawawa naman si inay.
Naiwan sya duon. Hindi naman nya pwedeng iwan yung krimeng nagawa ko.
Humiga na ako ulet. At natulog na parang walang nangyare.
No comments:
Post a Comment