Saturday, October 27, 2018

ANG DAMI MONG ALAM SA PAG-IBIG EH WALA KA NAMANG LOVELIFE!




Ito yung madalas kong natatanggap na kumento patungkol sa mga blog ko. Ito yung klase ng kumento na nagpapangiti sa akin sa tuwing nababasa ko. Alam niyo kung bakit?

Hindi naman kasi lahat ng “in relationship” ay may natutunan sa pag-ibig. Yung iba nga dyan di nila alam kung paano ba talaga ang magmahal, sadyang maganda o gwapo lang kaya nakahanap agad ng kalandian. Sa ibang banda naman, hindi rin lahat ng single ay walang alam sa pag-ibig. Marami dyan pinili na lang magpakasingle kahit may option naman na maging taken dahil sa dami na nilang natutunang lesson patungkol sa buhay pag-ibig.

Maaari ka din naman kasing matuto sa karanasan ng iba kung salat ka naman sa sariling karanasan sa pag-ibig. At mas marami kang matututunan sa iba kaysa nakadepende ka lang sa sarili mong karanasan na napakalimitado lang. Hindi mo naman kailangan magpakasal ng maaga para maintindihan mo ang buhay may asawa. Hindi mo naman kailangan mangaliwa upang maintindihan mo yung pakiramdam ng nagtaksil o pinagtaksilan ng taong mahal mo. At hindi mo rin kailangan mabaliw muna para maintindihan ang kalagayan ng isang baliw sa pag-ibig. Tama po ba? Sumagot ka!

May mga tao kasi na kahit walang lovelife pero malawak ang pagkaunawa nila sa pag-ibig. Minsan nga mas objective silang mag-isip at magbigay ng payo patungkol sa problema sa pag-ibig. Hindi naman kasi assurance na kung marami ka ng karanasan eh marami ka na ding alam. Kasi kung ganun man para mo na ring sinabi sa akin na “the more you get older, the more you become wiser” forgetting the fact na merong mga matatanda na walang pinagkatandaan. ‘Wag kalimutan na STUPID PEOPLE ALSO GROW OLD! Yung mga taong paulit ulit ng niloloko pero nagpapaloko pa rin…


Kaya ang lagi kong sagot sa kanila ay ganito: Huwag ka pong mainip dahil magkakalovelife din ako at pag nangyari yun baka makakapagsulat na ako ng sarili kong libro. Bili ka ha? :D

No comments:

Post a Comment