Saturday, October 27, 2018

ANG MADILIM NA KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAG-IBIG.

Kung sa tingin mo ay hindi mo ikakatuwa ang mababasa mo dito, I suggest na basahin mo pa din dahil may mga bagay na hindi natin ikakasaya sa umpisa pero sa bandang huli tayo din ang makikinabang. You can thank me later. :D

Pero bago ang lahat, gusto kong linawin na hindi ko intensyon na magspread ng bad vibes or negativities. Gusto ko lang ibahagi yung mga bagay na pinaniniwalaan ko na totoo ayon sa sarili kong karanasan, sa mga natutunan ko sa karanasan ng iba, at sa pagbabasa. So, kung ano man ang magiging opinyon mo pagkatapos mong mabasa ito, I don’t take responsibility for that but please know that I will always respect your opinion regardless of its nature.

1.      You will never find the right person. Such creature does not exist.

Nagulat ka ba? Ako din naman. Madalas kasi nating naririnig sa iba na ipinagdadasal nila na sana dumating na yung “Mr. Right/Ms.Right” na makakasama nila habang buhay. Pero ang totoo, walang ganun dito sa mundo natin. Bakit? Kasi never kang makakahanap ng tao na taglay niya lahat yung qualities na gusto mo na meron si “Mr. Right/Ms. Right.” Lahat tayo may imperfections. At lahat ng tao nagbabago. Marahil sa umpisa ng pagsasama, sweet ka sa kanya pero kalaunan when familiarity comes in dahan-dahang mawawala yung kasweetan mo sa kanya kasi mas mapapansin mo na yung hindi mo gusto sa kanya. Mapapansin mo na yung pagiging masungit niya, yung pagiging seloso niya, yung pagiging kuripot niya, yung pagiging paranoid niya, yung pagiging cold at insensitive niya…

Meron bang relasyon na walang tampuhan? Walang away? In the long run, sasaktan niyo din ang isa’t isa. Kasi wala naman talagang perpektong relasyon dahil ito ay binubuo ng dalawang imperfect human beings na nagsasama. Laging may struggles. Ang importante is you will choose the person who is worth to struggle with. Yung sa kabila ng lahat, nandyan pa din siya sa tabi mo para damayan ka kahit magmuka ka nang aswang. Never kang iiwan.
So kung walang right person, paano na yan? Katapusan na ba ng mundo? Hindi pa naman kaya wag kang OA! ‘Wag mabahala kasi meron namang “good-enough” person na pwede mong makasama. Yung taong alam mong katulad mo din na may ugali na di mo rin gusto pero tolerable naman. Yung taong weirdo minsan pero magagawa mo pa din na pakisamahan. Yung taong, sa kabila ng kanyang imperfections o limitations, kaya mo siyang tanggapin, mahalin at ipaglaban hanggang sa huli kahit pa man madalas kayong magkatampuhan, magtalo o mag-away. Eh wala eh, ganun talaga. Kaya makontento ka na lang sa “good-enough-person” at ‘wag ng maghanap pa ng “right person” kasi walang ganun!

2.     You are irredeemably alone.

Ito ay isang napakalungkot na katotohanan. Marami sa atin ay naniniwala na hindi na tayo magiging malungkot o mag-iisa kapag nahanap na natin yung taong araw-araw na makakasama at magpapasaya sa atin. Pero bad news, di mangyayari yun! Alam mo ba kung ano ang mas malungkot? Eh yan yung kahit napaligiran ka na ng mga mahal mo sa buhay nararamdaman mong mag-isa ka pa rin. Meron kasi tayong individual self na hindi pa natin gaanong kilala. We are alone in our individuality. We all have our lonely and private self! At hindi natin yan matatakasan hangga’t humihinga pa tayo. Medyo mahirap siyang ipaliwanag sa wikang Filipino pero alam ko namang naiintindihan niyo ang punto ko. So kung naghahanap ka ng partner sa buhay para hindi ka na mag-iisa, perhaps that’s only possible physically kung magkakasundo kayo na sabay din kayong mamamaalam dito sa mundo. Kung kaya kahit iniwan ka na nila, huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil bukod sa Diyos, yung sarili mo lang ang kakampi mo habang buhay. Make yourself your best friend. Kahit na in relationship ka, make sure you make quality time for yourself. Love yourself the way you want to be loved!

3.     You will never be totally understood.

Ang pagkakaroon ng partner sa buhay ay hindi nangangahulugan na meron nang isang tao na makakaintindi sa takbo ng pag-iisip mo. Bakit? Maaari ka niyang unawain sa level ng kanyang pagkaunawa pero never ka niyang maiintindihan gaya ng pagkaintindi mo sa sarili mo. Ang gulo di ba? Hindi naman kasi siya mind-reader at madalas hindi sapat ang salitang alam natin para ipaliwanag yung nararamdaman natin sa ibang tao. Posible na meron din siyang halos katulad na karanasan kaya nakakarelate siya sayo sa tuwing nagbabahagi ka ng iyong damdamin o saloobin pero never niyang mararamdaman ang eksakto mong nararamdaman because your experience is very personal to you. Kaya nga madalas nating sinasabi na kung kaya mong lokohin ang ibang tao, hindi mo magagawang lokohin ang sarili mo at ang Diyos kasi naniniwala tayo na bukod sa atin, ang Diyos lang ang nakakaalam at lubusang nakakaunawa kung ano ba talaga tayo at kung ano yung nangyayari sa kaloob-looban natin!

4.     The moments of love are just an illusion.
5.     There is something wrong with you and with everyone else.
6.     The idea of love distracts us from an existential loneliness.



NOW, LET’S PRETEND THAT WE KNOW NOTHING ABOUT THIS. LET’S FALL IN LOVE! 

No comments:

Post a Comment