Nagulat ka ba? Ako din naman.😅
Madalas kasi nating naririnig sa iba na ipinagdadasal nila na sana dumating na yung “Mr. Right/Ms.Right” na makakasama nila habang buhay. Pero ang totoo, walang ganun dito sa mundo natin. Bakit? Kasi never kang makakahanap ng tao na taglay niya lahat yung qualities na gusto mo na meron si “Mr. Right/Ms. Right.” Lahat tayo may imperfections. At lahat ng tao nagbabago. Marahil sa umpisa ng pagsasama, sweet ka sa kanya pero kalaunan when familiarity comes in dahan-dahang mawawala yung kasweetan mo sa kanya kasi mas mapapansin mo na yung hindi mo gusto sa kanya. Mapapansin mo na yung pagiging masungit niya, yung pagiging seloso niya, yung pagiging kuripot niya, yung pagiging paranoid niya, yung pagiging cold at insensitive niya…😪👌
Meron bang relasyon na walang tampuhan? Walang away? In the long run, sasaktan niyo din ang isa’t isa. Kasi wala naman talagang perpektong relasyon dahil ito ay binubuo ng dalawang imperfect human beings na nagsasama. Laging may struggles. Ang importante is you will choose the person who is worth to struggle with. Yung sa kabila ng lahat, nandyan pa din siya sa tabi mo para damayan ka kahit magmuka ka nang aswang.😂😅Never kang iiwan. 👩❤️💋👨
So kung walang right person, paano na yan? Katapusan na ba ng mundo? Hindi pa naman kaya wag kang OA!🤣😂 ‘Wag mabahala kasi meron namang “good-enough” person na pwede mong makasama. Yung taong alam mong katulad mo din na may ugali na di mo rin gusto pero tolerable naman. Yung taong weirdo minsan pero magagawa mo pa din na pakisamahan. Yung taong, sa kabila ng kanyang imperfections o limitations, kaya mo siyang tanggapin, mahalin at ipaglaban hanggang sa huli kahit pa man madalas kayong magkatampuhan, magtalo o mag-away. Eh wala eh, ganun talaga. 😜💪💓
Kaya makontento ka na lang sa “good-enough-person” at ‘wag ng maghanap pa ng “right person” kasi walang ganun! 👌🙏😉
No comments:
Post a Comment