Friday, October 26, 2018

Ako yung tipo ng lalaki na hindi mo magugustuhan.

Bakit?
Hindi kasi ako tulad ng karamihang lalaki na pag manligaw panay ang bigay ng bulaklak o di naman kaya tsokolate. And for the record, never ko pang naranasan na magbigay ng flowers kahit plastic man lang o chocolate sa isang babae na niligawan ko noon. Yan ang katotohanan na hindi ko ikinakahiya kasi may sarili akong paraan kung papaano ko sinasabi o ipinapakita sa taong gusto ko yung nararamdaman ko.
Ang weird ko di ba? Old school? Walang sense of romanticism? Ang boring kong tao? Maybe yes. Maybe not. 😂🤔
Naiintindihan ko naman yung saya at kilig na nararamdaman ng isang babae sa tuwing may nagbibigay ng bulaklak o tsokolate sa kanya. Sino ba namang hindi kikiligin sa mga pulang rosas at sa mamahaling chocolates? Naniniwala ako na karapatan ng mga babae yun na makatanggap ng mga bagay na magpapasaya sa kanila. Karapatan nilang maging mapili at magpakipot kung kinakailangan. Wala eh, babae sila. At dapat alam natin yan mga lalaki. 🤘🤗
Ngayon hayaan mo naman akong ipaliwanag yung side ko kung bakit “napaka-unromantic” kong tao, ang husga ng iba.
Siguro naman sasang-ayon ka sa akin kung sasabihin kong mahirap masanay sa isang bagay dahil pag nawala ito, malamang sa alamang, masasaktan ka. Ganito kasi ako mag-isip. Yang mga mahilig magbigay ng flowers o chocolates habang nililigawan pa lang nila yung babae, pustahan tayo hindi na yan magbibigay kapag naging sila na. Kung magbibigay pa rin eh hindi na ganun kadalas. Kung dati ay real flowers, pag sila na eh plastic na lang. Hanggang sa kalaunan, hindi lang yung flowers yung plastic mahahawa na din yung feelings at yung relasyon. 💔👣👀
Hindi ko naman nilalahat. Pero aminin natin. Totoo di ba? Ganun naman kasi pag nanliligaw pa. Panay paimpress. Na ikaw tong sweet, thoughtful, generous…you name it. Potential material bf kung baga! Of course, ipapakita ng lalaki yung mga magaganda niyang katangian na sa tingin niya meron siya o kahit wala siya na pede naman siyang magpanggap na meron siya for the sake na he could make a good impression out of superficial efforts.
Pag naging sila na at hindi masustain ng lalaki yung kasweetan niya sa pagbibigay ng kung ano anong materyal na bagay sa babae, ito na yung moment na meron ng tampuhan at magiging disappointed si babae kasi hindi na ginagawa ni lalaki yung mga bagay na nakasanayan niya. At kasunod na niyan ang moments of truth na minsan masaya pero madalas masakit na katotohanan! 💔🤔😓
Ako kasi sa sarili ko, alam kong hindi ko kayang isustain yung pagbibigay ng bulaklak o tsokolate kung sakaling magbibigay man ako kaya hindi ko ginagawa. Instead of flowers and chocolates, letters yung binibigay ko at madalas akong magyayayang kumain sa labas hindi dahil payat siya at gusto kong tumaba siya kundi dahil sa isang simpleng katotohanan na mahilig akong kumain. Mahilig akong magyayang mamasyal lalo na sa tabing dagat, sa mga mapunong lugar o kahit saan basta wala masyadong tao dahil yun ang madalas kong ginagawa at gustong gawing mag-isa. At least alam ko na pag naging kami sigurado ako na gagawin ko pa rin yung mga yun at magiging mas masaya dahil hindi ko na kailangang mag-isa. 😊💪🙏
Instead of flowers and chocolates, binibigay ko yung oras ko, atensyon, pag-aalaga at yung bukas kong isipan para maintindihan ang nilalaman ng isip at puso niya. Ako yung tipo ng lalaki na mahilig sa deep and intimate talks. Gusto kong pinag-uusapan yung mga bagay na napakabihira lang napag-uusapan tulad ng personal fears, doubts, dislikes, dark secrets, weirdness, o kahit anong topic under the sun na ang sarap pag usapan. Mahilig din akong magsulat because it helps me clear my mind and express what’s inside of me sa ibang tao.
Alam kong mahihirapan akong maghanap ng isang tao na magugustuhan yung pagiging weird ko but I promise myself not to pretend like someone that I’m not para lang magustuhan o matanggap ng iba dahil mas pipiliin ko pang mag-isa na lang sa buhay pero totoo ako sa sarili ko kaysa naman habang buhay akong magpapanggap na alam ko namang hindi ko ikakasaya…😁✍️✌️
Ikaw kaibigan, how weird are you? 😂😘

1 comment:

  1. napadpad lang ako dito sa paghahanap ng kasagutan. Unang una salamat sa honest answers mo. Di ka naman weird. it's a normal tendency you have. Baka ako ang weird or rather, desperada? Pag nakakakita akong picture ng babaeng nakatanggap ng flowers, may screenshot ako at sinisave ko sa google drive ko. Name pa ng folder ee Envy. Ano ba ang flowers? Bat may babaeng inaappreciate by being given flowers habang ako hindi? Bakit di ko nararanasang maappreciate despite me "being mysemf"? Hindi pala kagusto-gusto ang self ko kung ganun. May less than 2 months pa ako to finally prepare for valentines... to prepare to see kung naging mahalaga ba ako to anyone to finally deserve flowers. Alam mo yun maski isang beses lang sa buhay ko maranasan ko makatanggap ng flowers.... syempre mula sa someone na di alam kung gano ko gusto makatanggap. kelan kaya? Pag patay na ako? HAHHAHA di ko pa rin mahanap sagot sa Google....kaya heto rarant na lang ako

    ReplyDelete