Kamakailan lang ay maugong sa social networking sites ang love team na binansagang Aldub dahil nakakuha ito ng pinakamataas na number of tweets sa twitter kung kaya naging agaw atensyon ito sa karamihan at kasama na dyan ang ibang lahi. Trending pa din naman ngayon itong Aldub dahil patuloy itong nagpapakilig sa masa at huling-huli nila ang puso at kiliti ng mga Pilipino na talaga namang madaling mapaibig.
Masarap pag-usapan ang paksa patungkol sa pag-ibig. At mas lalong masarap umibig! Di po ba? At mahilig ang pinoy sa ganitong usapin at hindi yun nakakapagtaka sapagkat nilikha tayo ng Diyos mula sa Kanyang hindi mapantayang pag-ibig sa tao. Ako man mismo, kahit salat ang karanasan sa pag-ibig, ay madaling makuha ang aking atensyon at imahinasyon sa tuwing naririnig ko sa radio o nakakapanood ako sa telebisyon ng programa na ang tema ay patungkol sa pag-ibig (ito man ay filial, erotic o agapic love).
Kamakailan lang din ay naging patok sa internet ang isang bitter sentiment na #walangforever. Ito ay nagmula sa hindi magandang karanasan ng tao sa pag-ibig. Labin-tatlong letra at dalawang salita lamang pero malaman at para sa akin napakaepektibong paraan ng pagpapahayag ng kawalan ng pag-asa, heartaches, anger, dismay at maraming pang masidhing damdaming nakapaloob sa hash tag na ito.
Sa aking pagbabasa, napag-alaman ko na merong tatlong level ng pagmamahal at gusto kong ibahagi ngayon sa inyo.
Sa aking pagbabasa, napag-alaman ko na merong tatlong level ng pagmamahal at gusto kong ibahagi ngayon sa inyo.
Yung unang level ng pag-ibig ay tinatawag na SUBJECTIVE LOVE. Its definition is contained in this sentence, “I desire you as good.” Ito ang klase ng pag-ibig na masasabi nating possessive at self-centered. Here, the lover loves the beloved because he sees her as good and he takes pleasure from her. Ang turing niya sa kanyang beloved ay isang bagay na nagbibigay sa kanya ng pleasure kung kaya ito ay subjective kind of love. At para sa akin, hindi talaga ito maituturing na tunay na pag-ibig but for the sake of seeing its distinction from the other levels of love, we classify this as love. Ito yung “take-only-kind-of-love.”
Yung pangalawang level naman ay tinatawag na BENEVOLENT LOVE. Its definition is summarized in the sentence, “I desire your good.” Here, the love of the lover is not anymore selfish for he desires not the person but what is (true) good for his beloved. Sa ibang salita, gusto niya lang ibigay kung ano yung nakakabuti sa kanyang minamahal. Unlike the first level, the lover here sees the value of the beloved as a person with equal dignity not as a sexual object. Ito man ay benevolent pero meron pa ding reservation. Meron din itong mutual effect. Bakit? It is because the lover gets pleasure or satisfaction when he is able to give what is objectively good for his beloved. In short, this is the “give-and-take-kind-of-love.”
Yung pangatlo at panghuli naman, ito yung tinatawag na RADICAL O MAD LOVE. Sabi nga ng isang philosopher, “A genuine love has an element of madness.” Ano ba ang madness? Sa ating wika, ito yung tinatawag nating “katangahan” o (kabaliwan?). Familiar tayo sa mga ganitong #hugot, “Binigay ko na lahat, nagawa pa din niya akong saktan!” “Ano pa ba ang kulang? Binigay ko na lahat, bakit hindi mo ako kayang mahalin!” Tayong mga hindi pa nakaranas sa ganitong klase ng pag-ibig, madali sa atin ang husgahan silang “tanga” sapagkat hindi man lang nagtira ng pagmamahal sa sarili. But think again!
Bakit nga ba ito yung pinakamataas na level ng pagmamahal? Ito’y dahil ang ganitong klaseng pag-ibig ay walang reservation. Ito ay “pagpapakatanga” in the name of love and of the beloved! Ito yung pagmamahal ng walang tinitira sa sarili. This is the kind of love na ipinakita ng Diyos Ama sa tao, kay Kristong Hesus, noong inialay Niya ang Kanyang Sarili sa krus upang tubusin tayo sa ating mga pagkakasala. “For God so loved the world, that He gave His only begotten Son…” Ang Diyos ba ay tanga? Hindi naman di ba? Ipinakita Niya lamang sa atin kung paano ba ang tunay na pagmamahal. Sa madaling salita, ito yung tinatawag na “give-and-give-until-it-hurts-kind-of-love.”
Sana naging malinaw ang aking pagpapaliwanag. So far, saang level ka na dyan kapatid? Salamat.
Questions and sharing are welcome.
No comments:
Post a Comment