Wednesday, October 24, 2018

PINAGTAGPO PERO WRONG TIMING kasi

a. Possible sanang magustuhan ka niya pero happily taken na siya.
b. Gusto mo siya kaso lang wala siyang panahon magkalovelife.
c. Gusto mo siya pero iba ang gusto niya.
d. Gusto mo siya pero ayaw niya sayo.
Siguro kung ganito yung mga klase ng tanong sa board exam hindi ko alam kung matutuwa ka ba o maiinis? O matutuwa na may halong pagkainis? O maiinis na medyo natutuwa? Ano sa tingin mo? 😂🤔
Masyado nga namang subjective ang nature ng tanong na ito. Halos tama naman lahat ng pagpipilian kasi possible naman talaga siyang mangyayari (o nangyari na ba sayo?) pero ibahin natin ang tanong. Saan kaya sa mga pagpipilian ang hindi mo nanaising mangyayari sayo? Hmm…option A kaya? B? C? Or D? Kung sabagay kahit saan naman dyan, iisa lang din naman ang magiging kalalabasan. Makakaramdam ka ng konting kirot sa puso mo pero, maniwala ka, lilipas din yan kasabay ng paglipas ng panahon. 💪👌
Among the options, para sa akin pinakamasakit si option D. Yung tipong wala ng ibang dahilan kung bakit di pwedeng maging kayo maliban sa hindi ka niya gusto. Ang saya di ba? Pero ayos lang yan. Kasi wrong timing nga. Marahil naunahan ka lang at malay mo kinabukasan hindi mo na rin siya gusto. Stalk mo lang fb profile niya at panigurado makakahanap ka rin ng isang magandang dahilan kung bakit ka sinagip ng pagkakataon mula sa trahedya na dulot ng isang maling desisyon. At isa pa hindi yan nangangahulugan na ikaw ang kawawa sa bandang huli kasi pede naman na siya ang nawalan at hindi ikaw. Depende yan kaibigan kung papaano ka mag-isip at paano mo tingnan ang sitwasyon. Sabi nga. “Nothing just happens. There’s always a reason for everything.” And I want to add that it is stupidity for us not to know the reason and just allow the situation to make you feel that you’re not good enough. 😁😊
Sa mga ganitong sitwasyon, kanino mo kaya pwedeng isisi ang nagyari sayo? Sa mismong sitwasyon ba kung bakit kayo nagkatagpo? Sa panahon ba kung bakit naging wrong timing? Sa puso mo ba na pinili ang isang tao na hindi kayang suklian ang nararamdaman mo? O sa hirap ng buhay at di maayos na sistema ng panggobyerno kaya hanggang ngayon wala ka pa ring trabaho at imbis na kumita ng pera eh inuubos mo yung araw mo sa kakaisip sa taong di ka naman iniisip? But then, hindi maganda ang manisi at wala rin naman mabuting maidudulot yan pero kung sakaling kailangan mo ng isang bagay o tao na pedeng masisi para makaget over ka lang, I suggest na sisihin mo siya. After all, wala din naman siyang pakialam sa nararamdaman mo.
🤣😅
Kaibigan, alam kong hindi madali pero naniniwala ako na darating din yung araw na maiintindihan mo rin ang mga nangyayari sayo. Subukan mo lang intindihin. At tuloy pa rin ang buhay…😎🙏

No comments:

Post a Comment