Tuesday, February 19, 2013

Mga biglang pag-ibig..:)

Madalas maranasan ito sa mga taong magaganda at gwapo. 

May kasabihan nga tayong kung sino pa tong magaganda sila pa tong mga taken. Siyempre in demand e. Same sa babae, kapag gwapo ang lalake naku tapos maganda pa ang babaeng manlalandi sa lalake? Patay na. Take advantage tong si lalake. Ito naman eh hindi ko nilalahat. Di naman ako ganun e :) Joke lang.

Dati nabibiktima ako ng ganito. Ito ang tinatawag na infatuation yung mga biglaang nararamdaman. Yung nasasabi mong AYYYY!! Gusto ko na siya! Kasi cute siya! Cute siya sigurong magmahal. Cute niya siguro manlambing. Cute niya siguro umiyak. Aminado kong nabibiktima ako paminsan minsan nito. Ayun eh kung may babaeng aamin na maganda siya. Siguro nga. 

Naku! patay na! diyan na tayo malilintikan. Diyan na mauuso ang sinasabing lokohan. Break ups. 

May mga pagkakataon din naman na swertihan nga. Na sa mga unang araw palang nagkita eh spark na ang sinasabi natin. Sa unang tingin. Pareho nilang nagustuhan ang isat-isa. Ayun eh kung may itsura ang dalawang bagay.

Wag na tayong magsalita ng in general. Ka plastikan yun e. Yung sasabihing “Kahit walang itsura. Basta mahal ako.” SINONG NILOKO MO? MAMA MO? PAPA MO? LOLA MO? NINUNO? PUSA? ASO? UTOT MO! 

Maaring maniwala pa ko sayo kung sasabihin mo yan sa edad na 30 ka na o 40 o 50. Baka nga wala pang pumatol sayo dahil matanda ka na. Depende na lang kung may pera ka na.

Kung sakaling umabot ka dito. Aba saludo ako sayo. Nagbasa ka. Naniwala at binasa ang ideya na nilalaman ng utak ko.

...salamat sa pagbabasa

...to read more, you can click the HOME.:)

2 comments:

  1. hindi rin :) Kasi ako okay lang naman sakin kahit hindi ka gwapuhan ung lalaki . ang mahalaga pa rin eh ugali at mahal ako . :) well, magkaiba tayo ng pananaw sa buhay.

    ReplyDelete
  2. talaga? dapat pala magmeet tayo para magkaroon na ng future yung love life ko..hehehe..bitter lang siguro ako.

    observation ko lang naman yan...:)

    taga taguig pala ako.. ikaw? salamat at binasa mo blog ko. hayaan mo babasahin ko rin ko yung mga post mo..God bless you!

    ReplyDelete