Saturday, October 27, 2018

ANG DAMI MONG ALAM SA PAG-IBIG EH WALA KA NAMANG LOVELIFE!




Ito yung madalas kong natatanggap na kumento patungkol sa mga blog ko. Ito yung klase ng kumento na nagpapangiti sa akin sa tuwing nababasa ko. Alam niyo kung bakit?

Hindi naman kasi lahat ng “in relationship” ay may natutunan sa pag-ibig. Yung iba nga dyan di nila alam kung paano ba talaga ang magmahal, sadyang maganda o gwapo lang kaya nakahanap agad ng kalandian. Sa ibang banda naman, hindi rin lahat ng single ay walang alam sa pag-ibig. Marami dyan pinili na lang magpakasingle kahit may option naman na maging taken dahil sa dami na nilang natutunang lesson patungkol sa buhay pag-ibig.

Maaari ka din naman kasing matuto sa karanasan ng iba kung salat ka naman sa sariling karanasan sa pag-ibig. At mas marami kang matututunan sa iba kaysa nakadepende ka lang sa sarili mong karanasan na napakalimitado lang. Hindi mo naman kailangan magpakasal ng maaga para maintindihan mo ang buhay may asawa. Hindi mo naman kailangan mangaliwa upang maintindihan mo yung pakiramdam ng nagtaksil o pinagtaksilan ng taong mahal mo. At hindi mo rin kailangan mabaliw muna para maintindihan ang kalagayan ng isang baliw sa pag-ibig. Tama po ba? Sumagot ka!

May mga tao kasi na kahit walang lovelife pero malawak ang pagkaunawa nila sa pag-ibig. Minsan nga mas objective silang mag-isip at magbigay ng payo patungkol sa problema sa pag-ibig. Hindi naman kasi assurance na kung marami ka ng karanasan eh marami ka na ding alam. Kasi kung ganun man para mo na ring sinabi sa akin na “the more you get older, the more you become wiser” forgetting the fact na merong mga matatanda na walang pinagkatandaan. ‘Wag kalimutan na STUPID PEOPLE ALSO GROW OLD! Yung mga taong paulit ulit ng niloloko pero nagpapaloko pa rin…


Kaya ang lagi kong sagot sa kanila ay ganito: Huwag ka pong mainip dahil magkakalovelife din ako at pag nangyari yun baka makakapagsulat na ako ng sarili kong libro. Bili ka ha? :D

ANG MADILIM NA KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAG-IBIG.

Kung sa tingin mo ay hindi mo ikakatuwa ang mababasa mo dito, I suggest na basahin mo pa din dahil may mga bagay na hindi natin ikakasaya sa umpisa pero sa bandang huli tayo din ang makikinabang. You can thank me later. :D

Pero bago ang lahat, gusto kong linawin na hindi ko intensyon na magspread ng bad vibes or negativities. Gusto ko lang ibahagi yung mga bagay na pinaniniwalaan ko na totoo ayon sa sarili kong karanasan, sa mga natutunan ko sa karanasan ng iba, at sa pagbabasa. So, kung ano man ang magiging opinyon mo pagkatapos mong mabasa ito, I don’t take responsibility for that but please know that I will always respect your opinion regardless of its nature.

1.      You will never find the right person. Such creature does not exist.

Nagulat ka ba? Ako din naman. Madalas kasi nating naririnig sa iba na ipinagdadasal nila na sana dumating na yung “Mr. Right/Ms.Right” na makakasama nila habang buhay. Pero ang totoo, walang ganun dito sa mundo natin. Bakit? Kasi never kang makakahanap ng tao na taglay niya lahat yung qualities na gusto mo na meron si “Mr. Right/Ms. Right.” Lahat tayo may imperfections. At lahat ng tao nagbabago. Marahil sa umpisa ng pagsasama, sweet ka sa kanya pero kalaunan when familiarity comes in dahan-dahang mawawala yung kasweetan mo sa kanya kasi mas mapapansin mo na yung hindi mo gusto sa kanya. Mapapansin mo na yung pagiging masungit niya, yung pagiging seloso niya, yung pagiging kuripot niya, yung pagiging paranoid niya, yung pagiging cold at insensitive niya…

Meron bang relasyon na walang tampuhan? Walang away? In the long run, sasaktan niyo din ang isa’t isa. Kasi wala naman talagang perpektong relasyon dahil ito ay binubuo ng dalawang imperfect human beings na nagsasama. Laging may struggles. Ang importante is you will choose the person who is worth to struggle with. Yung sa kabila ng lahat, nandyan pa din siya sa tabi mo para damayan ka kahit magmuka ka nang aswang. Never kang iiwan.
So kung walang right person, paano na yan? Katapusan na ba ng mundo? Hindi pa naman kaya wag kang OA! ‘Wag mabahala kasi meron namang “good-enough” person na pwede mong makasama. Yung taong alam mong katulad mo din na may ugali na di mo rin gusto pero tolerable naman. Yung taong weirdo minsan pero magagawa mo pa din na pakisamahan. Yung taong, sa kabila ng kanyang imperfections o limitations, kaya mo siyang tanggapin, mahalin at ipaglaban hanggang sa huli kahit pa man madalas kayong magkatampuhan, magtalo o mag-away. Eh wala eh, ganun talaga. Kaya makontento ka na lang sa “good-enough-person” at ‘wag ng maghanap pa ng “right person” kasi walang ganun!

2.     You are irredeemably alone.

Ito ay isang napakalungkot na katotohanan. Marami sa atin ay naniniwala na hindi na tayo magiging malungkot o mag-iisa kapag nahanap na natin yung taong araw-araw na makakasama at magpapasaya sa atin. Pero bad news, di mangyayari yun! Alam mo ba kung ano ang mas malungkot? Eh yan yung kahit napaligiran ka na ng mga mahal mo sa buhay nararamdaman mong mag-isa ka pa rin. Meron kasi tayong individual self na hindi pa natin gaanong kilala. We are alone in our individuality. We all have our lonely and private self! At hindi natin yan matatakasan hangga’t humihinga pa tayo. Medyo mahirap siyang ipaliwanag sa wikang Filipino pero alam ko namang naiintindihan niyo ang punto ko. So kung naghahanap ka ng partner sa buhay para hindi ka na mag-iisa, perhaps that’s only possible physically kung magkakasundo kayo na sabay din kayong mamamaalam dito sa mundo. Kung kaya kahit iniwan ka na nila, huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil bukod sa Diyos, yung sarili mo lang ang kakampi mo habang buhay. Make yourself your best friend. Kahit na in relationship ka, make sure you make quality time for yourself. Love yourself the way you want to be loved!

3.     You will never be totally understood.

Ang pagkakaroon ng partner sa buhay ay hindi nangangahulugan na meron nang isang tao na makakaintindi sa takbo ng pag-iisip mo. Bakit? Maaari ka niyang unawain sa level ng kanyang pagkaunawa pero never ka niyang maiintindihan gaya ng pagkaintindi mo sa sarili mo. Ang gulo di ba? Hindi naman kasi siya mind-reader at madalas hindi sapat ang salitang alam natin para ipaliwanag yung nararamdaman natin sa ibang tao. Posible na meron din siyang halos katulad na karanasan kaya nakakarelate siya sayo sa tuwing nagbabahagi ka ng iyong damdamin o saloobin pero never niyang mararamdaman ang eksakto mong nararamdaman because your experience is very personal to you. Kaya nga madalas nating sinasabi na kung kaya mong lokohin ang ibang tao, hindi mo magagawang lokohin ang sarili mo at ang Diyos kasi naniniwala tayo na bukod sa atin, ang Diyos lang ang nakakaalam at lubusang nakakaunawa kung ano ba talaga tayo at kung ano yung nangyayari sa kaloob-looban natin!

4.     The moments of love are just an illusion.
5.     There is something wrong with you and with everyone else.
6.     The idea of love distracts us from an existential loneliness.



NOW, LET’S PRETEND THAT WE KNOW NOTHING ABOUT THIS. LET’S FALL IN LOVE! 

Friday, October 26, 2018

YOU WILL NEVER FIND THE RIGHT PERSON. Such creature does not exist! 😲🤔

Nagulat ka ba? Ako din naman.😅
Madalas kasi nating naririnig sa iba na ipinagdadasal nila na sana dumating na yung “Mr. Right/Ms.Right” na makakasama nila habang buhay. Pero ang totoo, walang ganun dito sa mundo natin. Bakit? Kasi never kang makakahanap ng tao na taglay niya lahat yung qualities na gusto mo na meron si “Mr. Right/Ms. Right.” Lahat tayo may imperfections. At lahat ng tao nagbabago. Marahil sa umpisa ng pagsasama, sweet ka sa kanya pero kalaunan when familiarity comes in dahan-dahang mawawala yung kasweetan mo sa kanya kasi mas mapapansin mo na yung hindi mo gusto sa kanya. Mapapansin mo na yung pagiging masungit niya, yung pagiging seloso niya, yung pagiging kuripot niya, yung pagiging paranoid niya, yung pagiging cold at insensitive niya…😪👌
Meron bang relasyon na walang tampuhan? Walang away? In the long run, sasaktan niyo din ang isa’t isa. Kasi wala naman talagang perpektong relasyon dahil ito ay binubuo ng dalawang imperfect human beings na nagsasama. Laging may struggles. Ang importante is you will choose the person who is worth to struggle with. Yung sa kabila ng lahat, nandyan pa din siya sa tabi mo para damayan ka kahit magmuka ka nang aswang.😂😅Never kang iiwan. 👩‍❤️‍💋‍👨

So kung walang right person, paano na yan? Katapusan na ba ng mundo? Hindi pa naman kaya wag kang OA!🤣😂 ‘Wag mabahala kasi meron namang “good-enough” person na pwede mong makasama. Yung taong alam mong katulad mo din na may ugali na di mo rin gusto pero tolerable naman. Yung taong weirdo minsan pero magagawa mo pa din na pakisamahan. Yung taong, sa kabila ng kanyang imperfections o limitations, kaya mo siyang tanggapin, mahalin at ipaglaban hanggang sa huli kahit pa man madalas kayong magkatampuhan, magtalo o mag-away. Eh wala eh, ganun talaga. 😜💪💓
Kaya makontento ka na lang sa “good-enough-person” at ‘wag ng maghanap pa ng “right person” kasi walang ganun! 👌🙏😉

Ako yung tipo ng lalaki na hindi mo magugustuhan.

Bakit?
Hindi kasi ako tulad ng karamihang lalaki na pag manligaw panay ang bigay ng bulaklak o di naman kaya tsokolate. And for the record, never ko pang naranasan na magbigay ng flowers kahit plastic man lang o chocolate sa isang babae na niligawan ko noon. Yan ang katotohanan na hindi ko ikinakahiya kasi may sarili akong paraan kung papaano ko sinasabi o ipinapakita sa taong gusto ko yung nararamdaman ko.
Ang weird ko di ba? Old school? Walang sense of romanticism? Ang boring kong tao? Maybe yes. Maybe not. 😂🤔
Naiintindihan ko naman yung saya at kilig na nararamdaman ng isang babae sa tuwing may nagbibigay ng bulaklak o tsokolate sa kanya. Sino ba namang hindi kikiligin sa mga pulang rosas at sa mamahaling chocolates? Naniniwala ako na karapatan ng mga babae yun na makatanggap ng mga bagay na magpapasaya sa kanila. Karapatan nilang maging mapili at magpakipot kung kinakailangan. Wala eh, babae sila. At dapat alam natin yan mga lalaki. 🤘🤗
Ngayon hayaan mo naman akong ipaliwanag yung side ko kung bakit “napaka-unromantic” kong tao, ang husga ng iba.
Siguro naman sasang-ayon ka sa akin kung sasabihin kong mahirap masanay sa isang bagay dahil pag nawala ito, malamang sa alamang, masasaktan ka. Ganito kasi ako mag-isip. Yang mga mahilig magbigay ng flowers o chocolates habang nililigawan pa lang nila yung babae, pustahan tayo hindi na yan magbibigay kapag naging sila na. Kung magbibigay pa rin eh hindi na ganun kadalas. Kung dati ay real flowers, pag sila na eh plastic na lang. Hanggang sa kalaunan, hindi lang yung flowers yung plastic mahahawa na din yung feelings at yung relasyon. 💔👣👀
Hindi ko naman nilalahat. Pero aminin natin. Totoo di ba? Ganun naman kasi pag nanliligaw pa. Panay paimpress. Na ikaw tong sweet, thoughtful, generous…you name it. Potential material bf kung baga! Of course, ipapakita ng lalaki yung mga magaganda niyang katangian na sa tingin niya meron siya o kahit wala siya na pede naman siyang magpanggap na meron siya for the sake na he could make a good impression out of superficial efforts.
Pag naging sila na at hindi masustain ng lalaki yung kasweetan niya sa pagbibigay ng kung ano anong materyal na bagay sa babae, ito na yung moment na meron ng tampuhan at magiging disappointed si babae kasi hindi na ginagawa ni lalaki yung mga bagay na nakasanayan niya. At kasunod na niyan ang moments of truth na minsan masaya pero madalas masakit na katotohanan! 💔🤔😓
Ako kasi sa sarili ko, alam kong hindi ko kayang isustain yung pagbibigay ng bulaklak o tsokolate kung sakaling magbibigay man ako kaya hindi ko ginagawa. Instead of flowers and chocolates, letters yung binibigay ko at madalas akong magyayayang kumain sa labas hindi dahil payat siya at gusto kong tumaba siya kundi dahil sa isang simpleng katotohanan na mahilig akong kumain. Mahilig akong magyayang mamasyal lalo na sa tabing dagat, sa mga mapunong lugar o kahit saan basta wala masyadong tao dahil yun ang madalas kong ginagawa at gustong gawing mag-isa. At least alam ko na pag naging kami sigurado ako na gagawin ko pa rin yung mga yun at magiging mas masaya dahil hindi ko na kailangang mag-isa. 😊💪🙏
Instead of flowers and chocolates, binibigay ko yung oras ko, atensyon, pag-aalaga at yung bukas kong isipan para maintindihan ang nilalaman ng isip at puso niya. Ako yung tipo ng lalaki na mahilig sa deep and intimate talks. Gusto kong pinag-uusapan yung mga bagay na napakabihira lang napag-uusapan tulad ng personal fears, doubts, dislikes, dark secrets, weirdness, o kahit anong topic under the sun na ang sarap pag usapan. Mahilig din akong magsulat because it helps me clear my mind and express what’s inside of me sa ibang tao.
Alam kong mahihirapan akong maghanap ng isang tao na magugustuhan yung pagiging weird ko but I promise myself not to pretend like someone that I’m not para lang magustuhan o matanggap ng iba dahil mas pipiliin ko pang mag-isa na lang sa buhay pero totoo ako sa sarili ko kaysa naman habang buhay akong magpapanggap na alam ko namang hindi ko ikakasaya…😁✍️✌️
Ikaw kaibigan, how weird are you? 😂😘

Wednesday, October 24, 2018

THE THREE LEVELS OF LOVE

Kamakailan lang ay maugong sa social networking sites ang love team na binansagang Aldub dahil nakakuha ito ng pinakamataas na number of tweets sa twitter kung kaya naging agaw atensyon ito sa karamihan at kasama na dyan ang ibang lahi. Trending pa din naman ngayon itong Aldub dahil patuloy itong nagpapakilig sa masa at huling-huli nila ang puso at kiliti ng mga Pilipino na talaga namang madaling mapaibig.
Masarap pag-usapan ang paksa patungkol sa pag-ibig. At mas lalong masarap umibig! Di po ba? At mahilig ang pinoy sa ganitong usapin at hindi yun nakakapagtaka sapagkat nilikha tayo ng Diyos mula sa Kanyang hindi mapantayang pag-ibig sa tao. Ako man mismo, kahit salat ang karanasan sa pag-ibig, ay madaling makuha ang aking atensyon at imahinasyon sa tuwing naririnig ko sa radio o nakakapanood ako sa telebisyon ng programa na ang tema ay patungkol sa pag-ibig (ito man ay filial, erotic o agapic love).
Kamakailan lang din ay naging patok sa internet ang isang bitter sentiment na #walangforever. Ito ay nagmula sa hindi magandang karanasan ng tao sa pag-ibig. Labin-tatlong letra at dalawang salita lamang pero malaman at para sa akin napakaepektibong paraan ng pagpapahayag ng kawalan ng pag-asa, heartaches, anger, dismay at maraming pang masidhing damdaming nakapaloob sa hash tag na ito.
Sa aking pagbabasa, napag-alaman ko na merong tatlong level ng pagmamahal at gusto kong ibahagi ngayon sa inyo.
Yung unang level ng pag-ibig ay tinatawag na SUBJECTIVE LOVE. Its definition is contained in this sentence, “I desire you as good.” Ito ang klase ng pag-ibig na masasabi nating possessive at self-centered. Here, the lover loves the beloved because he sees her as good and he takes pleasure from her. Ang turing niya sa kanyang beloved ay isang bagay na nagbibigay sa kanya ng pleasure kung kaya ito ay subjective kind of love. At para sa akin, hindi talaga ito maituturing na tunay na pag-ibig but for the sake of seeing its distinction from the other levels of love, we classify this as love. Ito yung “take-only-kind-of-love.”
Yung pangalawang level naman ay tinatawag na BENEVOLENT LOVE. Its definition is summarized in the sentence, “I desire your good.” Here, the love of the lover is not anymore selfish for he desires not the person but what is (true) good for his beloved. Sa ibang salita, gusto niya lang ibigay kung ano yung nakakabuti sa kanyang minamahal. Unlike the first level, the lover here sees the value of the beloved as a person with equal dignity not as a sexual object. Ito man ay benevolent pero meron pa ding reservation. Meron din itong mutual effect. Bakit? It is because the lover gets pleasure or satisfaction when he is able to give what is objectively good for his beloved. In short, this is the “give-and-take-kind-of-love.”
Yung pangatlo at panghuli naman, ito yung tinatawag na RADICAL O MAD LOVE. Sabi nga ng isang philosopher, “A genuine love has an element of madness.” Ano ba ang madness? Sa ating wika, ito yung tinatawag nating “katangahan” o (kabaliwan?). Familiar tayo sa mga ganitong #hugot, “Binigay ko na lahat, nagawa pa din niya akong saktan!” “Ano pa ba ang kulang? Binigay ko na lahat, bakit hindi mo ako kayang mahalin!” Tayong mga hindi pa nakaranas sa ganitong klase ng pag-ibig, madali sa atin ang husgahan silang “tanga” sapagkat hindi man lang nagtira ng pagmamahal sa sarili. But think again!
Bakit nga ba ito yung pinakamataas na level ng pagmamahal? Ito’y dahil ang ganitong klaseng pag-ibig ay walang reservation. Ito ay “pagpapakatanga” in the name of love and of the beloved! Ito yung pagmamahal ng walang tinitira sa sarili. This is the kind of love na ipinakita ng Diyos Ama sa tao, kay Kristong Hesus, noong inialay Niya ang Kanyang Sarili sa krus upang tubusin tayo sa ating mga pagkakasala. “For God so loved the world, that He gave His only begotten Son…” Ang Diyos ba ay tanga? Hindi naman di ba? Ipinakita Niya lamang sa atin kung paano ba ang tunay na pagmamahal. Sa madaling salita, ito yung tinatawag na “give-and-give-until-it-hurts-kind-of-love.”
Sana naging malinaw ang aking pagpapaliwanag. So far, saang level ka na dyan kapatid? Salamat.
Questions and sharing are welcome. 

PINAGTAGPO PERO WRONG TIMING kasi

a. Possible sanang magustuhan ka niya pero happily taken na siya.
b. Gusto mo siya kaso lang wala siyang panahon magkalovelife.
c. Gusto mo siya pero iba ang gusto niya.
d. Gusto mo siya pero ayaw niya sayo.
Siguro kung ganito yung mga klase ng tanong sa board exam hindi ko alam kung matutuwa ka ba o maiinis? O matutuwa na may halong pagkainis? O maiinis na medyo natutuwa? Ano sa tingin mo? 😂🤔
Masyado nga namang subjective ang nature ng tanong na ito. Halos tama naman lahat ng pagpipilian kasi possible naman talaga siyang mangyayari (o nangyari na ba sayo?) pero ibahin natin ang tanong. Saan kaya sa mga pagpipilian ang hindi mo nanaising mangyayari sayo? Hmm…option A kaya? B? C? Or D? Kung sabagay kahit saan naman dyan, iisa lang din naman ang magiging kalalabasan. Makakaramdam ka ng konting kirot sa puso mo pero, maniwala ka, lilipas din yan kasabay ng paglipas ng panahon. 💪👌
Among the options, para sa akin pinakamasakit si option D. Yung tipong wala ng ibang dahilan kung bakit di pwedeng maging kayo maliban sa hindi ka niya gusto. Ang saya di ba? Pero ayos lang yan. Kasi wrong timing nga. Marahil naunahan ka lang at malay mo kinabukasan hindi mo na rin siya gusto. Stalk mo lang fb profile niya at panigurado makakahanap ka rin ng isang magandang dahilan kung bakit ka sinagip ng pagkakataon mula sa trahedya na dulot ng isang maling desisyon. At isa pa hindi yan nangangahulugan na ikaw ang kawawa sa bandang huli kasi pede naman na siya ang nawalan at hindi ikaw. Depende yan kaibigan kung papaano ka mag-isip at paano mo tingnan ang sitwasyon. Sabi nga. “Nothing just happens. There’s always a reason for everything.” And I want to add that it is stupidity for us not to know the reason and just allow the situation to make you feel that you’re not good enough. 😁😊
Sa mga ganitong sitwasyon, kanino mo kaya pwedeng isisi ang nagyari sayo? Sa mismong sitwasyon ba kung bakit kayo nagkatagpo? Sa panahon ba kung bakit naging wrong timing? Sa puso mo ba na pinili ang isang tao na hindi kayang suklian ang nararamdaman mo? O sa hirap ng buhay at di maayos na sistema ng panggobyerno kaya hanggang ngayon wala ka pa ring trabaho at imbis na kumita ng pera eh inuubos mo yung araw mo sa kakaisip sa taong di ka naman iniisip? But then, hindi maganda ang manisi at wala rin naman mabuting maidudulot yan pero kung sakaling kailangan mo ng isang bagay o tao na pedeng masisi para makaget over ka lang, I suggest na sisihin mo siya. After all, wala din naman siyang pakialam sa nararamdaman mo.
🤣😅
Kaibigan, alam kong hindi madali pero naniniwala ako na darating din yung araw na maiintindihan mo rin ang mga nangyayari sayo. Subukan mo lang intindihin. At tuloy pa rin ang buhay…😎🙏

Monday, October 22, 2018

I BEG FOR LOVE!


(An article I wrote 2 years ago for school publication and my first attempt to write about the phenomenology of #walangforever)
Christian writers agree that life only becomes truly meaningful if we carry out in our everyday living the very purpose why we were given this precious gift called life. This ultimate purpose is to love. I believe that there is no greater feeling than to love and be loved. It makes us feel alive and appreciate the beauty of life. Sad to say, however, that in our contemporary world where there is so much betrayal, so much infidelity, so much selfishness, so much violence, so much broken relationships, so much broken hearts, people have become so self-protective. In this world that we live in, it is unusual to hear from someone professing the truth that our greatest need is to love and be loved. Instead, what we hear are sentiments telling us that you don’t need someone in your life to be happy, that you can be independent, strong and fulfilled in just loving yourself. Well, we all know that this is a lie born out of fears, pains, and distrust – reasons why we opt to build walls around our hearts. We don’t want to appear vulnerable. We don’t want to hope and give it a try. We don’t want to honestly admit that we all thirst for love and we want to be satisfied. Yes, we are so pathetic!
In the streets of Metro Manila, it is a common scenario to see beggars trying to knock the doors in our hearts hoping that we could spare some pennies or food for them. This everyday situation makes me think that if only love happened to be something tangible, something that can be seen and touched, and if only we could be more honest of our feelings, I wonder how many people would flock to the streets and beg for love.
But this, I think, is somewhat impossible for Filipinos. Unlike Western people who are more expressive and straightforward on their feelings like Ed Sheeran singing “Give me love,” we, Filipinos tend to be reserved, shy, perhaps afraid, and pretentious. Asking for love sounds lame for us. When we hear someone asking for love, we could easily judge that person as a loser and pathetic. And we don’t want to be a loser. We want to appear strong and triumphant. We don’t have the courage to shout it out that we, too, need to be loved the way we want to love. Hence, in order to understand this situation we need to listen on what is not being said.
I know that we are very much familiar of the sentiment or we could say a kind of protest expressed in few words that has become our common expression that has circulated in the social media particularly in facebook and is trending until now. “#walangforever” has captured the minds and hearts of the Filipino netizens. Only two words and thirteen letters but the message it conveys is very powerful. We laugh at it every time we encounter or utter this catchphrase but actually we are laughing at ourselves. This expression born out of painful experiences, failures and heartaches has been penetrating our lives in almost all its aspects. It is funny to think that this has become an instant justification. How many times that we used this expression as a reason to justify things in our lives? We tend to associate almost everything to this idea that there is no forever. When we run out of money, food, paper or whatever we are inclined to justify that it is because “walang forever.”
One time, I happened to read a post from a friend in facebook. It says there, “bad news: walang forever, good news: walang forever.” This facebook status really captured my attention and it made me realize that some most particularly the groups of the single, bitter, lonely and alone are celebrating for the birth of this seemingly brilliant realization which justifies their present situation or their choice to be alone. I heard some news that entrepreneurs took advantage of it by making some gimmicks in restaurants to increase business profit and boom, it was very effective! People love it. Or maybe they are just pretending that they love the idea.
As what I have mentioned a while ago that in contrast to Westerners, majority of us, Filipinos, are not that frank and honest when it comes to our feelings. We don’t want to be straight to the point. We used to tell something in indirect manner especially when it comes to love. Thus, we need to listen to what is not being said. We need to know those implied messages behind this famous #walangforever. And only in this way, we will come to understand what is in it really.
As far as my point of view is concerned, I think when someone says “walang forever,” I doubt that he or she means it. In spite of those tragic, painful or heart-breaking stories that we frequently hear or maybe you have experienced it, I believe that there is still enough reasons for us to believe that there is such thing as forever, that we are capable of love that will last forever, a love that transcends physical death and personal fears. We, Filipinos, are a people of hope and faith. We know these virtues. We have proven it many times that our faith and hope are enduring beyond tragedies or calamities. We don’t easily give up especially on matters concerning our loved ones. We are not that losers!
It is in this line of thinking that I believe #walangforever is just a bitter and better way for us to express our deepest desire to love and to be loved. Isn’t it beautiful when someone cares for you, treats you like a prince or princess, someone that will be there for you in good times and bad times or in short, someone who will truly love you? I think #walangforever is a kind of reverse psychology telling people implicitly that behind this seemingly negative phrase is my belief and hope that one day those fairy tales could be my reality. My dream of having this someone who will take care of me, embrace me tightly, love me without reservations and with all honesty and fidelity and to whom I will spend the rest of my life will sooner or later become my reality.
Yes, we can draw a lot of realizations from this #walangforever but one thing I am very sure of is that we don’t stop loving and hoping. I mean every time we wake up in the morning, consciously or unconsciously, we do things that belong to the realm of love and hope. If we were used, abused, victimized and pained before by people who don’t know what and how it is to love, I still believe that there is no amount of sadness and pain that could take away our capacity to love and to hope for because whether you believe it or not, we are created and born out of it and for it. Despite those heartaches, just continue loving and hoping. Because one day, I promise, love will find its way back to you.
😍😘🧘‍♂️